Overtime

1K 20 0
                                    

Di po ako taga-UST and di pa po ako college XD. Mahaba tong kwento kung nitatamad po kayo magbasa bahala na XD

Last last year, Grade 7 ako and yung pasok namin half day. Panghapon kami tapos ang uwian is 6:30. Pero nung time na yun, sa tingin ko teachers day ata kaya hanggang 5 lang kami. Lahat ng classmates namin umuwi na, 8 nalang kaming natira. Nagpabilog kami kasi yung isa kong kaklase gumagawa pa ng pop-up para sa A.P. Parang ordinary lang, nakapaikot, kwentuhan, soundtrip. Mga 5:30 umuwi na yung 4 naming kaklase so apat nalang kaming naiwan eh puro babae kami. Nung tapos na yung kaklase ko sa project niya around 6 ata kasi madilim na, lumabas ako sa corridor tapos tumingin dun sa dalawang rooms sa left side. Ang set up kasi, yung room namin sa right tapos sa corridor pag umabante ka may hagdan pag dineretso mo naman yung corridor makikita mo yung dalawang rooms ng Grade 8 ESEP.

Nung tumingin ako parang wala lang tapos maya-maya nagsilabasan na mga classmates ko. Tapos pinatay na namin yung apat na ilaw sa room bale bumaba kami ng cellphone lang ang gamit. Nung pagbaba namin ng building wala nang tao, eh yung building namin dulo pa mula sa gate. Habang naglalakad kami, mga 15 steps away. Huminto kami kasi wala pa palang pangalan yung project. Habang nagsusulat yung kaklase ko, yung kaklase kong isa tumingin sa room namin.

Non-verbatim:

Classmate 1: Uy tingin kayo sa room. Nakabukas yung dalawang ilaw sa harap.

Ako: Luh? Pinatay mo yun kanina diba?

Classmate 2: Oo nga. Kaya nga tumakbo ako palabas kasi pinatay ko lahat ng ilaw eh.

Classmate 3: Tara na. Baka mamaya ano pa makita niyo diyan eh.

Tumakbo kami sa gate kasi madilim na eh may apat na building pa kaming madadaanan. Sinabi namin sa guard yung nangyari sabi niya meron talagang ganun sa building namin tapos naglakad na kami pauwi, sa likod kami ng school dumaan tapos nung tumingin kami sa room. Lahat na ng ilaw sa room nakabukas. Akala ko last na yun meron pa pala.

Ilang days matapos nung nangyari kinuwento ko rin yun sa mga kaklase ko. Nung araw na yun same building, same room may nangyari uli, 7:00 naguusap pa kami nung kaklase ko kasi yung clearance namin sa filipino is role play. Yung mga kaibigan ko niyaya ako mag ghost hunting sabi ko wait lang kasi nagpapractice pa kami. Maya-maya yung tatlo kong kaibigan pumasok ng room tapos yung isa umiiyak nilapitan namin tapos kinuwento nila.

Non-verbatim ulit:

Ako: Huy anong nangyare?

Kaibigan 1: May tumunog kasi dun sa room ng A********.

Tapos kinuwento nila, ang nangyari daw eh parang may bumagsak na upuan (bakal kasi yung upuan namin tapos parang may kahoy para sa arm chair) tapos nagtinginan sila nung pagharap nila sa isang room tatlong beses na raw nangyari yung tunog na yun. Bumababa na kami ng building kasi umiiyak na yung kaibigan ko. Nung nakababa na kami, tumingin ako sa room na pinanggalingan ng tunog tapos may nakita akong anino na nakapalumbaba sa corridor tapos parang nakaharap sakin. Nag tago ako sa likod ng kaklase kong isa habang nangangatog.

This year naman, whole day na kami. Lumipat na kami ng building dun malapit sa gate. Nag-over time kami para sa Jingle and Rap sa Science. 6:30 mahigit nasa room pa kami tapos nagmimiryenda eh ayaw nilang umayos ginawa ko pinatay ko yung ilaw sigawan sila kasu madilim (malamang) binuksan ko tapos pinatay ulit ang ganda pa ng tayo ko tapos ako lang magisa sa likod ( nasa likod kasi yung switch).

Maya-maya lumapit yung kaklase kong may third eye sakin habang nakatayo dun sa likod sabi niya:

Non-verbatim nanaman:

Siya: ****, may nakita po akong puting babae na nakalutang malapit sayo kanina nung pinatay mo yung ilaw. Kaya nga kanina pa ko nakatingin sayo eh.

Ako naman natulala kaya tumakbo ako sa harap habang yakap yakap ko yung kaklase kong isa.


(c) https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=393809377453342&id=350647578436189&_rdr

X (Horror Stories)Where stories live. Discover now