I was only 3 years old nung unang beses akong makatungtong sa ancestral house namen. Doon kase lumaki ang lola ko at ang mga kapatid niya. Dating US Marine ang younger brother ni Lola, pero nung mamatay na ang Mama nila at muling nag asawa ang great grandfather ko sa stepmother nila na mas bata pa sa lola ko ng 10 years (buhay pa ang lola ko, kasama si Lola **** ang stepmother niya, at ang mga stepsisters ng lola ko na halos kaedad lang nila Mama), si Lolo U.S Marine na ang nagsilbing breadwinner sa family nila. Nung nag asawa naman si Lolo Marine eh ipinaayos niya ang bahay nila, kaya from a shabby nipa hut, naging malaking Spanish- styled bungalow na yon, complete with antique sofas, a wooden grand piano, and a huge granfather's clock that always scared the sh*t out of me, especially at midnight.
Anyways, tuwing fiesta dun sa lugar na pinanggalingan ng Lola ko eh dumadalo kami. Kumpleto kaming magpamilyang pumupunta doon. Kaya nakalakihan ko na ang bahay na yon. Pero sa tuwing dadalaw kami doon I always have these weird dreams- Mga pugot na ulo na nakapatong sa dayami, naliligaw daw ako sa loob ng bahay, at mga duwende sa garden, which scared me the most dahil may malaking Snow White and the 7 dwarves na busts sa garden nila NOON. Mabuti na lang at tinanggal na nila iyun ngayon.
2 years ago, I met a car accident which left me temporarily disabled. As a healing process, dinala ako ni Tita **** sa ancestral house naming yon, para malibang naman ako ng konte. Nakakalakad na ako noon, at nagdefer muna ako for that semester hanggang sa tuluyan na akong makarecover. One afternoon, tinutulungan ko si Tita sa pagwawalis sa back garden (dadalawa lang ang maids niya, isang taga luto at isang labandera), nung bigla kaming may maamoy na kakaiba. It was a sweet scent, like flowers. Napausal si Tita "Masaya ang Lolo Marine mo at dumalaw ka." Kaya naman, napasign of the cross ako.
Ilang araw bago ang fiesta nila I had those weird dreams again. Nagigising ako literal na basa ng pawis at hinahabol ang hininga. Masyado na kasing nagiging vivid ang mga panaginip ko. Gusto ko nang umuwi kaso di pa ako pwedeng sumakay ng bus (I had trauma) at walang maghahatid saken.
Lumipat kami nang room, sa kwarto sa left wing kami kase noon natutulog, lumipat kami sa right wing, malapit sa kwarto ni Lola Beth na asawa ni Lolo Marine. Well, me malaking painting lang naman doon na Behold the Man kaso abstract nga lang. Pero nakakatakot talaga siya. Si Jesus nga ang nasa painting pero malaki naman ang mga mata na mas pinatindi pa ng mga dugo dugo at color grey na balat ni Jesus. Nakaharap pa ito sa higaan. Hindi ako makatulog ng maigi kase pakiramdam ko, tinititigan ako ng painting- at minamatyagan bawat galaw ko.
Nakalagay ang piano sa prayer room ng bahay, kung saan kami laging nag rorosary every 6 in the evening. Isang hatinggabi, nagising ako na may naririnig na tumutugtog ng piano. Lumabas ako at may nakita akong lalake na nakaupo sa seat nito. I did not dare to stay there any longer. Wala kaming lalakeng kasama sa bahay, at mas lalong walang magpapatugtog ng piano sa ganoong dis oras ng gabe.
Pero ang mas kinatatakutan ko ay si Lola na asawa ni Lolo Marine. Mabait siya. Mapagbigay. Malambing. Pero meron siyang napakalaking manika na tinatawag niyang "Baby Girl". I know she always long for a daughter that she will never have, but that stupid doll always creeps me out. Hindi kinakalimutan ni Lola na paliguan ito, bihisan at suklayan, kahit na minsan nakakalimutan na niyang ayusin ang sarili o iflush ang inidoro pagkatapos gamitin. And should I say na nakalagay ang manyikang iyon sa nightstand sa tabi ng kama niya? I am sure I would hear giggles of a little girl coming from her room some nights during my stay in that old house.
(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=495128087321470&id=350647578436189
