Bilin ni Lolo

4.5K 98 5
                                    

This happened noong December 24, 2012. Yes, bisperas ng Pasko nun, sa probinsya. May sakit nun ang lolo ko and ineexpect na talaga namin na hindi na sya magtatagal.

Nung gabing yun, ako at si lolo lang ang naiwan sa bahay. Nasa may baryo ang mga kasama namin. Kami nasa bahay sa may bukid namin. Nasa kusina ako naghahanda ng pagkain para pagdating nila ok na lahat. Hinahanda ko na rin yung soup ni lolo ko saka yung mga gamot niya.

Iinom ako ng tubig. Binuksan ko yung ref. Pagsara ko, nasa side ko si lolo, nakasmile. Nagulat pa ko kasi wala syang tungkod na gamit. So agad ko syang inalalayan.

""Pag nasa Maynila ka na, wag mong kakalimutan yung bilin ko ah! Ipapagawa mo pa yung bahay""

Nangiti ako sa bilin ni lolo. Nakaramdam ako ng lungkot that time kasi alam kong malapit na nga. I wanted to cry pero pinigilan ko kasi alam kong masaya si lolo para sa akin. Saka magpapasko. Humingi pa si lolo ng isang basong tubig tapos pagbalik ko, nawala sya bigla. Pagbalik ko sa kwarto, nandun sya. Nanghihina na sya sobra. Lumapit ako. Bumigat ang paghinga niya. Saktong dumating ang iba naming kapamilya.

20 minutes pagkalipas ng 12:00 midnight, Pasko, pumanaw si lolo. Hindi ako natakot or what. Natuwa pa ako dahil hanggang sa huling sandali, naghabilin sa akin si lolo.


(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=505676929599919&id=350647578436189


X (Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon