Memories

6.9K 102 7
                                    

Elementary days, Grade 2 ako nun at doon ako nakaramdaman ng paranormal na bagay. I was studying at F.G Calderon Integrated school. tondo manila to be exact. ( may nakaka-alam ba ng school na to? One of the biggest schools in tondo as far as I remembered. ) so yun. Yung room naming naka locate sa 3rd floor and divided into two sections. Yung sa unahan ay para sa first year tapos sa dulo yung mga grade 2 since sobrang dami ng grade two at di kasya sa isang floor lang. Balik sa storya, so yun nga habang lesson ng grade teacher namin nasa huli ako nakaupo dahil nga matangkad ako. Sa pagkaka-alala ko, I was writing a lecture that time tapos yung wallet ko nasa tabi lang ng notebook ko. Nahulog yung pen ko nun kaya pinulot ko. Hindi naman malikot yung galaw ko nun para makuha yung pen ko pero pagbalik ko sa desk ko, yung wallet ko tumilapon sa tapat ng pinto namin sa likod. Medyo malayo ako nun at ilang steps pa. Syempre nagtaka ako pero hinayaan ko lang dahil bata ako. Pagkakuha ko ng wallet ko, eksaktong pag angat ng ulo ko may dumaan na babaeng nakalutang na naka dress na hanggang talampakan. Long black hair din na magulo kaya di ko nakita yung mukha. Hindi yun apparition o silhouette dahil nakita ko talaga siya. Nanigas ako habang nakatingin sa babae pero wala akong naramdaman na takot. Curiosity? Meron dahil bata pa lang ako. Basta natulala ako nun. Nasigawan pa nga ako ng teacher namin kaya bumalik na nalang ako sa upuan ko.

Nagdrawing nalang ako sa notebook ko at di na pinansin yung nakita ko pero alam kong tumatak na yun sa isip ko. Minuto ang lumipas ng makarinig kami ng sigaw mula sa 1st year na room. Room naming tapos yung hagdan pababa at pataas then kwarto na 1st year at doon nag mula yung sumigaw. Naalala ko naglabasan kaming nakarinig ng sigaw. Doon namin nalaman na may nasapian pala na babae tapos ng humupa tinanong siya ng teacher niya kung ano yung nangyari, ipinaliwanag niya yung nangyari. May nakita daw siyang babaeng mahaba at maputing dress yung suot na may mahabang buhok katulad ng nakita ko tapos black out na daw. Bukas talaga ang third eye ni ate at talaga nakakaranas siya ng paranormal na bagay, hindi na din kakaiba yung nangyari sa kanyang iyon.

Ngayong 4th year na ako, di ko padin makalimutan yun. Hindi ko alam kung bukas ang third eye ko nung bata ako dahil may nakikita din akong kakaiba. Yung lola ko kasi at ibang kamag anak ko sa pag kaka alam ko ay bukas ang third eye o dahil lang talaga sa haunted na ang F.G. calderon integrates school. Hindi ko intensyon na sirain yung school na yun dahil kahit sa mga kababalaghan segments sa tv ay na feature na yun ng maraming beses. Yun lang. I just wanna share a story dahil alam kong di lang ako nakakaranas ng creepy experience sa mga sarili niyong schools.


(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=494775204023425&id=350647578436189


X (Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon