Pinakamaganda daw ako sa college namin. Hindi lang maganda pero matalino pa. Dean's lister ako lagi. Ako yung laging pinapanlaban Sa pageant at nanalo naman ako. Maraming nanliligaw sa akin. Isa ka na dun. Probinsyano ka at galing sa Capiz pero mayaman ka. Hindi ka gwapo kaya hindi kita type. Yes, looks talaga yung basis ko. Pero matiyaga kang nanligaw kahit una pa lang alam mo naman na wala kang chance sa akin. Bouquets, teddy bears, chocolates at madami ka pang binibigay na regalo sa akin. Yes, materialistic akong tao. Kinaibigan kita kasi mayaman ka. Manloloko ako oo. Usually kong ginagawa ay perahan yung manliligaw ko. One time, sinuklayan mo ako nun. Hindi ko alam na kinuhanan mo na pala ako ng hibla ng buhok. Kaya pagkatapos ng ilang buwan namayat ako. Nagkasakit kaya dinala ako sa hospital pero wala namang findings yung doctor. Dumating yung time na nagsusuka ako ng ipis at daga. Lumalabas sa ilong ko yung mga bulati pati sa mata at tenga ko. Nakakadiri oo pero siguro nakahanap na ako ng katapat sa mga panloloko na ginawa ko. Ito na ang karma ko at pinagsisisihan ko ang lahat.
(c) https://web.facebook.com/USTFiles/posts/1124814410896650
