Her

5.2K 89 1
                                    

Maikli lang to.

Dati hindi ako pala dasal. Hindi ako nagsisimba. Magsisimba lang pag may kasama. Kapag sabi ng magulang ko. Panatag ako noon na safe ako sa mga multo sh*ts na yan dahil sobrang maka Diyos ang pamilya ko. But.. This thing happened. I was sleeping. Nagising ako ng wala sa oras. 3:00 di ko pa alam dati ung Devil's hour sh*t na yan. Nagising ako ng 3:05 nakita ko sa relo, nagtaka ako. Nakakumot ako, hindi naman ako nagkukumot. Binaliwala ko yon. Kasi baka magulang ko ang nagkumot. Pero may naramdaman ako sa paa ko. Malamig. Tas medyo mabigat. Hindi ako naniniwala sa multo noon. Pero may naaninag ako. Puti. Akala ko inaantok lang ako non. Kaya natulog ako ulit. Kinabukasan yung kumot hindi ko na nakitang nasa kama. Nasa pinakadulong part ng kwarto na siya. Naguluhan ako pero again baliwala.

Isang araw galing ako sa school nakatulog ako. Pagod. Nagising ulit ako ng 3 pero this time saktong 3 and there is someone calling my name. Literally calling me. Parang inaakit akong sumama sa kanya. Akala ko di totoo yon. Pero totoo I saw HER sa tabi ng closet ko calling me. Paulit ulit yung pangalan ko. Natatakot na ko. Di ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko mawala sa isip ko yung pagtawag niya sakin.

Akala ko last na yon. Sinabi ko sa magulang ko yon. Pinagpray naman nila. Pero one night past 7 na nasa school pa rin kami ng bestfriend kong lalaki and nagtatawanan. Nagpractice pa kasi kami noon ng sayaw. Inutusan kami ng teacher namin na kunin yung buong files at bag niya sa classroom sa 3rd floor. Again akala ko wala na siya. I saw her sa classroom namin. Standing beside my seat. Smiling. A creepy smile na nakakatayo ng balahibo. Na nakakakaba. Na nakakatakot. Nakita yon ng bff ko at ako di makagalaw. Sumigaw lang ako. At walang magawa kundi tumakbo kasama yung kaibigan ko.

Simula noon naging active na ko sa mga Church activities. Pero minsan kinakabahan pa rin at nakakafeel. Sabi ng mama ko lapitin daw talaga ako ng ganon.


(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=501806166653662&id=350647578436189



X (Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon