Prank Gone Wrong

5.2K 122 10
                                    

May overnight kami noon sa school, and being the prankster ng class. Nag plano ako ng prank para sa mga matatakutin.
I prepared everything. I dressed up as a ghost and ang plano ay iwan sa loob ng room ang mga matatakutin , patayin yung ilaw and papasok ako sa room and hindi gagalaw sa corner.

Ready na ang lahat. Nasa loob ako ng stockroom sa tabi ng silid na kung saan yung mga classmates ko ay naka stay. Patay na nun ang lahat ng ilaw. Medyo kinilabutan ako sa stockroom dahil may story doon na may babaeng puro itim na umiiyak ng dugo.

Nagtext ang classmate ko na kakunchaba ko din na pwede na daw akong lumabas, timing din na nalowbat yung cp ko. Natakot na talaga ako kasi wala nang ilaw, tanging ang liwanag nalang galing sa maliit na window yung pag-asa ko.

Nung bubuksan ko na ang pinto para makalabas sa stockroom, napa-panic ako dahil parang nasira ito, hindi ko na mabuksa. Sumigaw ako ng sumigaw pero walang may nagbukas ng pinto. Napa upo nalang ako sa sulok at napaiyak hanggang sa nakatulog nalang ako. After 2 hours siguro, tinry ko ulit na buksan and fortunately, na open nga na parang walang sira.

Hinubad ko ang costume ko and nadatnan ko yung classmates ko na nanginginig and naiiyak.
linapitan ako ng ka kunchaba ko at sinabihang, "Hey, di ko sasabihing ikaw yung nag prank. galit na galit sila oh. natakot ata talaga. di ko sasabihin na ikaw basta sabihin mo kung paano ka umiyak ng dugo at biglang nawala."


(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=512537632247182&id=350647578436189



A/N: Hi guuuys if you do have time may bagong story din po ako yung, Saudade yung title hihi. Mabuhay tayo. Mabuhay. Kingina.

X (Horror Stories)Where stories live. Discover now