Nakalimutan ko na kung kelan exactly nangyare to pero klaro pa rin sa memory ko yung mga nangyare. Summer yun, I think kakatapos lang ng Holy Week. After ng graduation ko ng elementary, umuwi kame ng province (Bacolod) para mag holy week kasama mga relatives sa side ni papa. Ayun tapos na holy week, I think tuesday yun ng hapon, niyaya ako ng mga pinsan ko na sumama pumunta ng perya malapit sa simbahan. Btw yung house nila papa eh malayo pa dun sa perya, tatawid ka ng ilog tapos lalakad ka ng medyo mahaba mahabang taniman ng tubo (sugar cane) para makarating sa main road.
After namen magpaalam at pinayagan naman kame, nagbihis na kame at umalis na. Umalis kame ng bahay siguro 6pm at dahil probinsya, expect mo na rin na madilim na at walang poste ng ilaw sa nilalakaran namen. Kaya naman dinala namen yung 2 rechargeable flashlight ng lola ko (Pag uwi namen grabeng sakit ng tenga namen sa mga pingot nya). At last natawid namen ang ilog, nanibago kame dahil biglang lumakas yung daloy ng tubig, inisip na lang namen na baka naulan sa bundok. After ng ilog mahabang lakad along the taniman ng tubo. Dun ako nagsimulang magtanong sa kanila kung may ""ASWANG"" ba talaga? Dahil narinig ko before na yung stories about aswang sa capiz eh lumipat sa ibang malalapit na island. After ko magsalita, nagalit yung kuya ko (Pinsan ko. Nga pala 6 kame na magkakasama, yung 5 pinsan ko silang lahat, lahat sila dun na lumaki. Ako lang ang galing manila, bale 3 kame girls at 3 boys). Sabe ng kuya ko ""Wag ka maingay baka marinig ka nila, andyan lang sila sa tabi tabi, nakadapa sa mga halaman or nakasabit sa puno"" Syempre laking manila, hindi ako naniwala at sumigaw pa ko ng ""Hoy baka mahulog ka sa puno! Bumaba ka jan at magpeperya tayo!"" Nagulat ako nang biglang takpan ng ate ko yung bibig ko at sinabeng ""Wag kang maingay may nabulabog ka na""
Dun ko narinig na parang may lumipad at lumakas din ang hangin. Kaya't yung nakakatanda kong pinsan na si Kuya R ay nagmamadaling inaya kameng lumakad ng mabilis at wag hihinto. Mejo malapit na kame sa main road nang may makasalubong kameng matandang babae, so binati namin sya ""Ayong gabi lola"" Pero si lola isnabera ha, napansin ko lang na iba yung amoy ni lola, parang mapanghi na ewan. So dahil snobber si lola hinayaan na lang namen. Pero nagulat kame nung nagsalita sya ""Wag kayo maingay, nabulabog nyo tulog ko"" (Syempre guys in ilonggo nya sinabe, ni-translate ko na lang). Kinabahan talaga kame kaya derecho lakad lang kame, pero dahil nacurious ako kinuha ko yung flashlight sa kuya ko at humarap sa likuran ko. Pero boom panes wala na si lola, yung amoy mapanghi na lang ang naiwan sa ere. Pagdating namen sa perya grabe hingal namen kasi super takbo na kame makalabas ng lugar na yun.
(c) https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=472031216297824&id=350647578436189
