This is a story of a friend's friend. Alam nya ang kwentong ito dahil naging room mate nya ang nasabing "victim" ng techie ghost na ito. This is around 1980s, nung ang uso pa lang na mga computer is yung box-type na green screen monitor at malalaking floppy disk drives (286. 386. 486, etc.). Most of all, wala pa ang rechargerable transformers or laptops.
Si Emma (di tunay na pangalan) ay graduating college student and everyone knows naman na required ang thesis para sa mga tulad nya. But instead of buying a typewriter, pinili nyang bumili ng computer sa isang kamag-anak. Third hand na yung unit at napakamura. Mas mahal pa nga ang brand new na typewriter kaya kinagat agad ni Emma. Gamit ang padala ng magulang galing ibang bansa at mga tirang pera sa kanyang allowance (nakatira kasi sya sa boarding house) binili nya agad ang computer unit at sinimulan na nyang gamitin pagkahatid na pagkahatid sa kanya.
Nung una wala namang naging problema ang computer pero nung tumagal na minsan may mapapansin si Emma na parang may lalabas na letra na di naman nya pinindot. O kaya naman biglang lalamig sa pwesto nya na walang dahilan. O kaya naman may parang tunog na manggagaling sa computer na parang bumubulong. Pero madalas dinededma na lang ito ni Emma. Anyway, wala naman talaga syang mapagsasabihan dahil solo nya ang kwarto at inisip nyang baka guni-guni lang nya yun.
Until one night, nakatulugan nya ang computer nya. Nagising sya ng umaga na, ang ulo nya'y nakalatag sa keyboard. Bigla syang naalimpungatan sa takot na baka kung ano-anung letra na lang ang lumabas sa kanyang thesis dahil nga sa pagkakahimbing nya sa keyboard...
Sobrang gulat nya ng makitang, kumpleto na ang chapter na tinatapos nya. At walang mali sa mga letra. Walang sobrang spaces. Walang misplaced na punctuation marks. Paano nangyari yun samantalang naalala pa nya na kalahati pa lamang ang nagagawa nya sa chapter?
Nag-decide na nyang matulog ng maaga nang gabing yun at baka pagod lang talaga ang nangyari kaya di nya maalala na natapos nya ang chapter. Kalagitnaan ng gabi, naalimpungatan na naman sya dahil nakita nyang bukas ang computer...
At nagta-type na mag-isa.
Napasigaw sya sa takot. Nakita ang cord at hinigit nya ito. Hindi pa rin tumigil ang computer. Hysterical na syang nagtatatakbo palabas ng kwarto nya at tinawag ang landlady.
Pareho nilang nilapitan ang bukas nyang pinto at kitang-kita nila sa loob ng madilim na kwarto ang berdeng kulay ng monitor at rinig mo pa rin ang pag-type sa kyboard. Nakitulog na si Emma sa kwarto ng landlady nya sa tinding takot. pati ang landlady ayaw na rin magpa-iwan ng mag-isa habang madilim pa.
Maliwanag na nang nagkalakas sya ng loob na balikan ang computer. Patay na ito. Kahit nandoon ang thesis nya sa loob ng computer, tinawag na nya ang computer tech na kakilala nya para kunin ang thesis sa unit, at ibenta na rin ang computer.
Binalikan nya ang pamilya na nagbenta ng computer sa kanila and doon nya nakuha ang kwento ng may-ari ng unit. Anak nilang graduating student ang nagmay-ari ng computer, na namatay bago nya natapos ang thesis nya. Binenta nila ito dahil may mga gabing naririnig nila ang tunog ng keyboard nito sa kwarto at pati ilaw ng monitor ay naaninag sa ilalim ng pinto. Hindi lang ito nakakatakot, nakakabiyak din ito ng puso ng mga magulang ng namatay na estudyante.
Simula noon, hindi na bumibili si Emma ng second hand at never na rin sya pumayag na solo sa isang boarding house room.
Di ko na rin alam kung anong nangyari sa computer na yun. Pero since napakaluma na nun, siguro naman sira na sya matagal na.
Sana nga lang ay ganun...
(c) https://notaloneintheworld.wordpress.com/2014/06/23/techie-ghost-stories-part-3/
A/N: Ay ako may thesis ngayon, asan na kaya ang laptop na to ako bibili huhu chos.
