JFH TO MGA DRE. KUNG MAY KLASE KA RON, WAG MO NA TONG BASAHIN.
May klase kami non sa 4th floor ng JFH. 3 hour class siya kaya panay CR ko. Di naman strikto yung prof kaya gora lang ako ng gora.
Eto na.
Pang-apat na balik ko na sa banyo.
Mataas naman ang araw... walang kailangan ikatakot pero magisa lang ako. May umiinom ng tubig sa fountain pero bukod don after a minute or two, I was alone.
Since pangapat ko nang balik don, wala na akong ihing mailalabas pa. So what I did was just stare at the mirror and sit on the lavatory.
I was wearing my earphones but I heard a someone FLUSHING THE TOILET.
Tinanggal ko earphones ko, sabay baba sa lababo kasi nakakahiya kung may makakita sakin.
Pero nung tinitigan ko yung unang cubicle, walang tao. Pati yung pangalawa, wala.
Pero putangina.
Sa 3rd cubicle, naglaro ang mga mata ko sa itaas ng pinto.
May ulo.
May ulong nakadungaw sa pinto.
Hanggang kalahati lang ng ulo ang nakikita ko non, para bang nakatayong nakasandal kung sino man yon dun sa may pintuan.
Napatingin ako sa baba ng pinto ng cubicle.
Walang mga paa.
Walang binti.
Walang kahit na anong stante.
Dahan dahan na kong lumabas.
Alam ko na e.
Alam kong mukhang dinedemonyo ako.
Pero sa paglabas ko, alam ko talaga. Kitang kita ko. UMIKOT NG UMIKOT YUNG TUKTOK NG ULONG NAKITA KO.
Tumakbo ako sa klase nanginginig.
Tahimik sa klase dahil may seatwork..
Di na ko nakapagsalita until dismissal.
Hanggang ngayon... iniisip ko, ano yung nakita ko? Bakit ko yon nakita? At higit sa lahat, bakit ito naroon?(c) https://www.facebook.com/DLSUDSF/posts/450525978462580
