"Ether utang na loob ibibigay ko kung anuman ang nais mo, wag mo lamang sasaktan ang aking anak. Para mo ng awa!"Nagsusumamong sigaw ni Amihan.
"Ibibigay ko lamang ang iyong pinakamamahal na Anak kung ibibigay mo kay Hagorn ang inyong mga brilyante. Nang sa gayon ay makuha mo ng ligtas ang iyong anak Amihan." Nasisiyahang turan ni Ether.
"Ibibigay ko ang aking brilyante ngunit hayaan mo na sa aking mga kapatid ang kanilang brilyante. Para mo ng awa Ether, pakawalan mo na si Lira. Nangangako ako na ibibigay ko ang aking brilyante oras na pakawalan mo si Lira." Nagmamakaawang sagot ni Amihan.
Ngunit ang kanyang mga kapatid ay handa nga bang isakripisyo ang kanilang brilyante para sa buhay ng tagpagligtas ng Encantadia? Kasihan nawa ni Bathalang Emre ang kanilang desisyon na ibigay kay Hagorn ang kanilang mga brilyante. Laking Gulat ni Amihan ng ilabas ng kanyang 3 kapatid ang kanilang mga brilyante upang ibigay kay Hagorn.
"Pirena, Alena, Danaya anong ginagawa nyo? Bakit nyo ibibigay ang inyong mga brilyante? Hindi ko mababayaran ang gagawin nyong ito." Hilam sa luhang pahayag ni Amihan.
"Sa panahong halos malugmok ka ng dahil sa aking kasakiman Amihan, marapat lang na matulungan kita ngayon, babalik ang aking brilyante kung ito ay para sa akin. Hindi ako papayag na ibuwis mong muli ang iyong buhay. Tinanggap mo ako ng dalawang kamay Amihan, maluwag sa loob ko ang gagawin kong ito."Matigas na pahayag ni Pirena.
"Sa panahong halos ika'y aking kasuklaman Amihan dahil inakala ko na inagaw mo na sa akin ang lahat, bukas pa rin ang dalawa mong kamay upang tanggapin ako at tulungang makabangon muli, hindi ito kabayaran sa iyong nagawang kabutihan bagkus ay maluwag sa aking kalooban ang gagawin kong ito." Sabay ang patak ng Luha ni Alena.
"Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng sakripisyo mo pra sa aming tatlo Amihan, ang kabutihan, ang pagiging malambot ng iyong puso, at ang handang magbuwis ng buhay pra sa nakararami hayaan mo kaming makabawi man lang, dahil bukal sa aming kalooban ang gagawin naming ito." Matigas ngunit nanaig ang lambot sa puso ni Danaya.
Hirap man ngunit sa puso ng bawat isa ay ang laban ng isang Ina na handang gawin ang lahat para sa kaisa isang tagapagligtas ng buong Encantadia. Natutunan ang kababaang loob na kailanman ay hindi mababayaran. At sa kanilang pagsasanib pwersa nawa'y magtagumpay ang lahat.
"Magaling, magaling!!! madali naman pala kayong kausap mga Sang'gre ngayon utusan ninyo ang inyong mga brilyante ng mapasa aking kamay ito." Nakangising turan ni Hagorn.
Ngunit sa kanilang mga isip tila naiintindihan ng bawat isa ang pinong galaw na tila may ipinahiwatig. Nauna ang tinatawag nilang may mahinang kalooban si Alena, ngunit may isang lihim na ngiti. Sumunod ay si Danaya ang siyang pinakapasaway at huli ay tusong si Pirena. At sa paglapit ni Amihan tila may mga sariling isip na kumilos ang bawat isa gamit ang natatanging kapangyarihan nila, ang Evictus.
Nilapitan ni Alena si Lira, si Pirena kay Ether, si Danaya kay Hagorn at si Amihan kay Arde. Mabilis na nakuha ni Alena si Lira upang ibigay kay Ybrahim, at tiniyak ang kaligtasan ng anak. At muling nagsimula ang digmaan sa pagitan nina Amihan, na pawang hindi padadaig ang bawat isa. Ngunit tila nakalimutan yata ni Amihan si Paopao, na syang dahilan upang hindi mamalayang nakalapit na pala ito kina Ybrahim at Lira.
"Inay!!!!!!!"
Syang paglingon ni Amihan hawak hawak ni Paopao si Lira, gamit ang bilis upang makarating kay Paopao, ngunit taglay ng brilyante ni Paopao ang kakayahang ito ni Amihan kung kaya't mabilis itong nakablik kay Hagorn.
"Amihan, ako'y inyong pinaglaruan at sa akala nyo kami ay inyong malilinlang? Nagkakamali kayo mga Sang'gre." Galit na galit na turan ni Hagorn.
Sinampal nito si Lira. Na siyang dahilan upang mawalan ito ng malay sa lakas ng sampal ni Hagorn.
"Liraaa!!!!!" Sigaw ni Amihan.
Inilutang ni Hagorn si Lira gamit ang brilyante ni Paopao. At inilabas nito ang espada (ang Avatar ni Lira).
Copyrights 2017
Plagiarism is a crime.

YOU ARE READING
YbraMihan One Shots
FanfictionYbraMihan independent stories that contains fans/authors' imaginanations on a set-up where they are in love.