Hold My Hand

1.1K 18 0
                                        



"Hindi kita iiwan Amihan, ngunit nais ko lamang sana na tumulong sa paghikayat ng ating bagong mga kasapi upang mapalakas ang ating pwersa. Hindi ko balak ang ika'y iwan mahal kong reyna. Ngunit, aaminin ko sa panahong halos ako'y iyong iwasan, mas ninais ko pang mawala sa halip na maramdaman ang sakit ng iyong pag iwas."

"Ybrahim, patawarin mo ako sa aking pag-iwas. Inakala ko lamang na ito'y mas makabubuti sa atin. Aaminin ko rin na sa bawat pag-iwas ko, ninais ko na ako'y mawala na lamang sa halip na makita kang lumalayo."

Hindi na mapigilan ang bugso ng kanilang mga damdamin, dahilan upang maging sandigan ang isa't isa lalo't higit sa panahon ng kanilang pangungulila sa kanilang si Lira.

"Ybrahim, maari ba nating hanapin ang ating si Lira? Sabik na sabik na ako sa kanya. Nais ko sana mayakap na siya, mahalikan at maiparamdam ang aking pagmamahal. Ybrahim, napapagod na akong maghintay kung kailan pang panahon natin makikita at makakasama si Lira. Bago lamang siya dito sa Encantadia ngunit marami na din siyang pinagdaanan. Hindi ko na alam kung nasa mabuti ba siyang kalagayan, kumakain ba siya ng sapat na pagkain, o nahihirapan na ba siya. Hanggang kailan ba ang pangungulila na ito, Ybrahim? Hindi ko na alam kung ako'y nasa katinuan pa para harapin ang bawat bukas na darating na puno ng pangungulila sa aking si Lira. Ybrahim, huwag mo akong iwan. Baka hindi ko na kayanin kung pati ikaw iiwan din ako." Mahabang pahayag ng hilam sa luha ang kaawa-awang Reyna ng Encantadia.

Hindi naging madaling paniwalaan ni Ybrahim na sa panahong nagdaan ay inakala niya na ang isang Amihan na matatag at malakas sa kanyang harapan ay kahabag-habag pala ang pinagdadaan nito sa kanyang kaloob-looban na halos lamunin na ito ng paghihinagpis para sa kanilang nawawalang anak.

Isang reyna na sa kanyang panlabas na anyo aakalain mong ito'y walang pinagdadaanan. Reyna na nagpapakatatag para sa kanyang natitirang nasasakupan upang ipaglaban ang kanilang karapatan.

'Kahabaghabag na Aking Hara, patawarin mo ako sa panahong hindi kita nauunawaan. Hinding-hindi kita iiwan. Hindi ako makapapayag na matagalan pa ang panahon upang matagpuan natin ang ating anak. Hahanapin ko siya upang muli kong masilayan ang iyong mga ngiti.'

"Huwag kang mag-alala Aking Hara. Hahanapin natin ang ating si Lira. Tumahan ka na. Pagkat naghihintay na ang ating mga kasama sa labas. Hindi lamang tayo mga magulang, Amihan, sapagkat isa din tayong mga pinuno na siyang sandigan ng ating mga nasasakupan. Hawakan mo ang aking kamay, at huwag kang bibitiw sapagkat sabay nating aabutin ang tala, sabay nating pagtatagumpayan ang pagsubok na ito at hawak kamay nating hahanapin ang Ating si Lira."

Ang tunay na pag-ibig ay ang pagtanggap sa kahinaan, kalakasan, pagkukulang at higit sa lahat sa pagsasakripisyo ng bawat isa, na siyang daan upang mas mapagtibay pa ang pundasyon ng walang hanggang pagmamahalan.

Pagmamahalan na hindi dahilan ang pagiging maramot upang malaman mo ang halaga ng bawat isa. Dahil ang tunay at tapat na pagmamahal ay natatagpuan sa panahon na hindi mo ito hinahanap. Bagkus sa panahon na kusa mo itong mararamdaman.

Hindi naging madali kina Amihan ang mga pagsubok sapagkat hindi palaging sila ay magkasama dahil kailangan unahin nila ang kanilang nasasakupan. Ngunit ramdam ng bawat isa ang isang natatanging pagmamahal na lalong hinuhubog ng pagsubok at kasawian na naglalapit sa dalawang umiibig.




[Wakas.]



A/N: Second part of Never Let You Go.



Coldheart

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now