Si Amihan at PaoPao... at si Ybarro

2.3K 51 11
                                        

Note: Eto ung imagination ko na ndi pa nla alam, except kay Amihan, na may powers c PaoPao at ngtatransform sya to Big PaoPao.

****************

Amihan's POV

Nakakabahala ang sitwasyon nila. Pinapalibutan sila ng mga taksil na kawal ng Lireo at pinamumunuan sila ni Pirena. Ang mga dama, adamyan at inosenteng mandirigma ay hawak nila at nasa kamay niya ang kanilang buhay. Kung susuko sila, hindi rin sigurado na palalayain at hindi sila sasaktan ng mga taksil. Ngunit, kung hindi naman, ganoon din ang mangyayari. Kahit gustuhin man niyang ilabas ang nakatago nilang alas, hindi iyon maaari. Masyado pang maaga at ayaw niya matanto ng kanyang mga kaaway na may ika-limang brilyante at nasa pangangalaga ito ni PaoPao.

Sa kanyang pag-iisip ng plano, hindi niya namalayan na nababalutan na pala ang kanilang panig ng liwanag at nang lumaon ng isang pananggalang.

"Anong nangyayari?!" Tanong ni Pirena. Nakita ni Pirena na may enkantado na nakikipaglaban sa kanyang mga kawal at sila'y natatalo.

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ni Pirena. Lumaban sila ngunit kahit isa, hindi sila maka-bwelo ng suntok sa enkantado.

Habang nangyayari ito, nagtataka sila Mashna Aquil, Muros, at Alira at ang mga sundalo sa kung sino ang enkantadong ito, at kung bakit sila ay kanyang tinutulungan. Natulala at nababahala si Amihan para kay PaoPao dahil hindi pa ito bihasa sa pakikipaglaban. Nais man niyang tumulong, hindi niya magawa pagkat matibay ang harang na nakapalibot sa kanila. Napansin ito ni Ybarro.

"Amihan..." Rinig niya ang sabi nito. Rinig din niya ang pagtataka sa tinig at pananalita nito.

"Huwag muna ngayon, Ybrahim. Tulungan ninyo lamang ako na masira ang pananggalang na ito." Giit ni Amihan.

Nag-aalala na talaga siya dahil si PaoPao lamang ang lumalaban para sa kanila. Hindi niya maikakaila na ang brilyante ang gumawa ng pananggalang, ngunit iwawaksi munan iya ito. Si PaoPao ang mas mahalaga sa ngayon.

"Pashneya! May araw ka rin sa akin, enkantado!" Narinig niyang sabi ni Pirena at naglaho na. Ang kanyang mga naiwang kasama ay nagsi-alisan na din. Nakahinga na siya nang malalim, at nawala na rin ang pananggalang.

Ybarro's POV

Matapos ang laban, nakita ko si Amihan na tumakbo patungo sa enkantado at niyakap ito.

'Bakit siya nag-aalala sa enkantado na iyon? Kilala ba niya ito?'

Hindi niya maintindihan ang kurot sa kanyang dibdib na para bang--- 'Hindi, nag-aalala ka lamang, Ybarro. Hindi ninyo kilala ang enkantado, at kaligtasan ng Reyna ang iniisip mo.'

Nakita niya kung papaano binigyan ng atensyon ni Amihan ang enkantado. Hinahawak ang kanyang braso, tinitingnan kung may galos ba ang kanyang mukha, at kung may sugat ba sa kanyang katawan.

'Ano kaya ang pakiramdam na alagaan ni Amihan?' Nanlaki ang kanyang mata sa kanyang naisip. 'Iwaksi mo iyan, Ybarro. Nag-aalala ka lamang sa kanya, iyon lang.' Tama, iyon lang. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maikubli ang selos na nadarama habang nakikitang inaaruga ni Amihan ang enkantado.

"Ahem." Nagkumo ang kanyang kamay...

"A-HEM."Napakasama na nang kanyang tingin sa enkantadong hawak si Amihan.

"AHEM!" Nagulat siya at lumingon sa kanyang tabi. "Wantuk! Ginulat mo ako."

"Kanina ko pa kinukuha ang atensyon mo, Ybarro. Kung hindi ka lang sana nagseselos at nanggagalaiti sa iyong karibal..."

"Anong pinagsasabi mo?"

"Sus, kunwari ka pa."

"Wantuk..." Pagbabala niya rito.

"O siya, titikhim na ako. Halikana't tutulungan pa natin ang ating mga kasama na ayusin ang kuta. Siguro ay dapat na rin tayong lumisan at maghanap ng iba pang matataguan pansamantala." Pagkasabi ay umalis na din si Wantuk upang tumulong. Tumingin siya kina Amihan at pwersahang inilayo ang kanyang mga mata.

Baka nga tama si Wantuk... Baka.


[Wakas.]




ReikoN

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon