A/N: To Ms. Blotty Parchment, pasensiya kung hindi ko na nahintay ang reply niyo sa pm ko^^ Antagal na nito, pero ngayon lang na-post. Hihi :) A short and simple fic.
Tinabihan ni Ybarro ang enkantadang nakagaanan niya ng loob simula ng kanilang pagkikita. Masaya siyang binati nito at masaya ding sinalaysay ang ginawa nito buong araw.
Hindi niya napansin na malalim ang kanyang pag-iisip kung hindi dahil sa pagtapik ng kaibigang diwata sa kanya.
"Ayos lang po ba kayo, mahal na prinsipe?"
Bumuntong-hininga siya. "Iyan ang hindi ko alam, enkantada. Maaari ba akong sumangguni sa'yo?"
"Oo naman po."
"Sa iyo ko lamang ito aaminin kaya huwag mong ipagsabi kahit kanino. Kapag nalaman kong naging matabing ang dila mo, ako mismo ang magpapatahimik sa'yo. Naintindihan mo ba?"
Ilang beses tumango ang kaibigang enkantada dala ng takot sa kanyang banta. Lumuwag ang kanyang kalooban dahil walang ibang makakaalam ng kanyang aaminin.
Malambot ang kanyang ngiti sabay sabing, "Mahal na mahal ko si Amihan. Siya ang nagmamay-ari ng puso ko."
Naudlot ang kanilang pag-uusap dahil pinatawag si Ybarro para sa isang pagpupulong. Nang makaalis ay hinampas ni Lira ang pinakamalapit na bagay sa kanyang tabi sa sobrang kilig sa nalaman.
'Lord, thank you po! Isang malaking regalo po ang hinandog niyo po sa'kin!"
.
Matagal na panahon bago nalaman ni Ybarro na ang kaibigang enkantada na sinabihan niya ng kanyang lihim ay ang kanyang anak na si Lira.
Namutla siya nang malaman ang tunay na katauhan ng enkantada, habang ito nama'y abot tenga ang ngiti at mapanukso ang tingin.
'Mahabaging Emre!'
ReikoN
Copyrights 2016
Plagiarism is a crime.

BINABASA MO ANG
YbraMihan One Shots
FanfictionYbraMihan independent stories that contains fans/authors' imaginanations on a set-up where they are in love.