Maghihintay v.2

953 28 1
                                        


Ybrahim

Sa panaginip lamang tayo unang nagkita,

At hindi pa lubos na magkakilala.

Nabigla na lamang ako ng mabalitaan ko,

Na ako pala ang ama ng sanggol na iyong dinadala.


Amihan

At kung sana pala hindi na ako nangahas pa,

Na makilala ka

Disinsanay hindi mo na kailangang mamili pa,

Kung sino sa aming dalawa.


Ybrahim

Wala kang dapat pagsisihan pa,

Pagkat hindi ko na kailangang mamili pa.

Batid kong ang aking bawat paghinga,

Ay may nagmamay-ari na.


Amihan

Kung gayo'y wag mo na akong alalahanin pa,

Nakatadhana na sa akin ang mag-isa.

Hangad kong maging maligaya ka,

Pagkat kaligayahan mo'y kaligayahan ko na.


Ybrahim

Kung malalaman mo lamang sana,

Sana'y makapaghintay ka.

Sa tamang panahon, Mahal Kong Reyna,

Ipababatid ko sa buong Encantadia, 'E correi diu, Aking Hara.'




ColdHeart

Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now