Sa Kaharian ng Lireo kung saan ang Reyna ay nasa hardin
Nag-iisip ng malalim at malayo ang tingin
Sinimulan nya kausapin ang kanyang sarili
At ito ang kanyang sinasabi."Mahal kong puso ayoko ibig kang saktan
Ayoko paulit-ulit ka mabigo.
Pero heto, heto ako at patuloy kitang sinasaktan at binibigo.
Dahil hangang ngayon ay hindi ko masabi sa lalaking lihim kong iniibig na siya ay aking mahal
Na siya ang isa sa dahilan kung bakit patuloy akong umaasa na pwede kami dalawa magsama at sabay umibig.Ngunit paano yun mangyayari?
Paano ko sasabihin?
Paano ko aaminin?
Hangang kailan kita sasaktan mahal kong puso?
Hanggang kailan kita mabibigo?
Tuluyan na ba mananatiling lihim ang pag ibig ko kay tagal ko na itinatago?
O mahal kong Ybrahim, kung alam mo lang na ikaw ay aking iniibig at patuloy pang iibigin."Lingid sa kaalaman ng Reyna, may isang lalaki nagtatago sa gilid ng hardin.
At bigla ito nagpakita sa kanya.
Siya ay nagulat!
Nasindak! At natulala!
Sapagkat ang lalaking nakita niya ay walang iba kung hindi si Ybrahim,
Ang lalaking iniibig niya ng palihim!Biglang hiniwakan ni Ybrahim ang kamay ng Reyna
At ito ang kanyang sinabi.
"Totoo ba ang lahat ng iyong sinasabi?!
Totoo ba na ako'y iyong iniibig?
Magsalita ka mahal na Reyna?""Hindi ko sinasadya Ybrahim
Hindi ko ibig na malaman mo ang katotohanan
Sapagkat alam ko may masasaktan
Pag nalaman mo ikaw ay aking iniibig."
Ang sagot ng Reyna kay Ybrahim.Hindi binitawan ni Ybrahim ang kamay ng Reyna, bagkus ito ay hinagkan pa nya.
At ito ang kanyang sinabi."Huwag ka nang mag-alala mahal kong Reyna
Huwag ka nang mag-alinlangan pa.
Hindi mo na kailangan masaktan at mabigo
Hindi mo na kailangan magtago
Sapagkat ikaw ay iniibig ko din
Gusto ko malaman mo na mahal kita
Mahal na mahal, mahal kong Reyna.
Higit sa lahat handa kong ialay ang aking buhay upang patuloy kitang makapiling.Pagkatapos sabihin ni Ybrahim ang kanyang nadarama sa Reyna, sila ay nagkatitigan.
Unti-unti naglapit ang kanilang mga labi.
[Wakas.]
Nia14
Copyrights 2016
Plagiarism is a crime.

BINABASA MO ANG
YbraMihan One Shots
FanfictionYbraMihan independent stories that contains fans/authors' imaginanations on a set-up where they are in love.