Arksha

1.1K 39 30
                                        

Noong una, akala niya malalim lamang ang iniisip ng kanyang asawa. Mula sa matalim na tingin nito at makunot na noo, ito talaga ang mahihinuha niya at ng ibang nakakasalamuha nila. Ngunit, ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin nawawala ang itsurang ito sa wangis nito. Nag-aalalala na siya para rito.

Kaya narito siya ngayon, minamanmanan ang asawa. Mula nang maibahagi niya kay Pirena ang nagaganap sa asawa, iminungkahi ng kapatid na obserbahan ito hanggang sa makakuha siya ng sapat na impormasyon kung ano ang bumabagabag rito.

Ang sumusunod ang natuklasan niya.

Unni, nasa kanya nakatutok ang paningin nito.

Dunni, nang malaman niya ang unni, nagtago siya sa mula rito, at napansin na hindi ito gaanong nangungunot kapag wala siya sa tabi o sa kaparehong silid nito.

Trenni, sa kabila ng pagtataka at kaunting kirot nang dahil sa dunni, ikinagilalas niya ang pagtutok ng asawa sa kanyang tiyan sa tuwing nasa iisang silid sila. Lalong tumatalim ang paningin nito kapag nasa silid-tulugan na sila.

Dahil hindi na niya makayanan, bumaling siya isang araw rito sa kanilang silid at pinigilan itong umalis.

"Ybrahim, ano ba ang bumabagabag sa iyo?! Ilang linggo ka nang ganito, e correi. Akala mo ba hindi ko napapansin ang pag-iba ng iyong kilos sa akin? Isa pa, ano ang ginawa ng aking tiyan sa iyo at laging masama ang tingin mo rito!" Sumbat niya sa asawa, humahangos mula sa panigaw niya rito.

Kumurap ito ng ilang beses, bago sumeryoso na naman ang tingin sa kanya, lalo na sa kanyang tiyan.

"YBRAHIM!"

"Amihan, e correi, gusto ko ng arksha."

Siya naman ang kumurap ngayon. "Ha?" Binalikan niya sa isipan ang pinaggagawa ng asawa nitong nakaraang mga linggo.

"Gusto ko ng isa pang arksha, e correi."

Ngayong naiisip niya, hindi naman talaga nila kailangan ng isa pa pagkat si Lira ang tagapagmana ng Sapiro. Hindi niya binawi ang ipinahayag niya dati na si Mira ang tagapagmana ng Lireo, at hindi rin ninais ng anak nila na bawiin niya ito. Ayon kay Lira, nararapat kay Mira ang maging hara ng mga diwata.

"Bakit?"

Nangunot ang noo nito. "Kailangan pa ba iba pang dahilan, Amihan? Nais ko ng isa pang arksha. Gusto kong makita ang iyong sinapupunan na pinamamahayan ng ating anak, na masaksihan ang kanilang pagsilang at paglaki. At ikaw, nais kong makita ang kagandahang ihahatid ng pagdadalang-diwata mo habang iniigatan ng iyong katawan ang ating anak."

Ngumiti siya. Lumapit siya kay Ybrahim, hinawakan ang kamay nito at hinila papalabas ng kanilang silid patungo sa trono ng Sapiro.

"Kung ano ang nais mo, e correi. Sa ngayon, may tungkulin pa tayo bilang pinuno ng ating mamamayan."



A/N: Arksha - sanggol



Copyrights 2016

Plagiarism is a crime.

YbraMihan One ShotsWhere stories live. Discover now