"Panginoong Emre, utang na loob gusting-gusto ko na pong makita at makasama ang aking anak na si Lira. Para niyo na pong awa." Nagsusumamong panalangin ni Amihan sa bathalang si Emre kasabay ang masaganang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Imaw, maari bang magtanong? Kanina ko pa hinahanap si Amihan, ngunit hndi ko siya matagpuan saan man sulok dito sa ating kuta." Hindi maitago ang pag aalala sa mukha ni Ybrahim.
"Siya'y nagdarasal at nag-aalay sa Bathalang Emre, Ybrahim, hindi kalayuan mula dito." Sagot ni Imaw ng may pag-aalala din sa mukha.
Sa kakahuyan kung saan umiiyak at naghihinagpis si Amihan, hindi namalayan ang papalapit na si Ybrahim, Upang malayang mapagmasdan ang babaeng itinatangi ng kanyang puso na pilit mang itanggi ng isip, ngunit ang kanyang puso ay tila yata lalong humihilagpos.
'Patawad Amihan hindi ko nais ang iwan ka. Ngunit kung ito ang makakapagpaluwag ng iyong kalooban, masakit man, handa akong lumayo. Sa aking paglayo, iiwan ko ang aking puso at nangangako na kahit man lang matanaw ka mula sa malayo maiparamdam sa'yo na sa anumang oras ako ang kalasag mo.' Sambit ni Ybrahim sa kanyang sarili.
"Amihan." Tawag ni Ybrahim. Ngunit hindi natinag si Amihan sa kanyang pagkakaupo.
"Amihan, ako'y panandaliang aalis sa kuta upang maglakbay patungo sa iba pang bahagi ng Sapiro. Nais ko lamang ipagbigay alam ito sapagkat hindi ako nakakasiguro kung kelan ako babalik o ako ma'y makakabalik pa. Hihikayat ako ng mga bago nating kaanib upang mapalakas pa ang ating pwersa laban sa mga kaaway." Nanlulumong tatalikod na sana ang prinsipe ngunit...
.
.
.
"Huwag mo kong iwan, Ybrahim." Nagsusumamong wika ni Amihan, kasabay ang mahigpit na hawak sa kamay nito.
Sa hindi makapaniwalang dahilan, at dahilan upang hindi mamalayan ng prinsipe ang malayang pagtulo ng kanyang mga luha..awang ang mga labing humarap sa Babaeng iniibig...
"Anong ibig mong sabihin, Amihan...?" Tanong ng prinsipeng hindi maintindihan pati na ang kanyang nararamdaman.
"Kailangan kita, Ybrahim. Kailangan tayo ng ating anak. Pakiusap huwag mo sana akong iwan," Pakiusap ng reynang hilam sa luha at tila isang batang paslit na nagsusumamo.
"Amihan, totoo ba ito,? Totoo ba na ayaw mong iwan kita... totoo ba na kailangan mo ako...?"
Sa pagkabigla, isang kabig upang malayang mayakap ng mahigpit ang Hara na kanyang iniibig, kasabay ang halos pabulong na mga tanong.
Walang salitang namutawi. Sinuklian na lamang ng isang matamis na ngiti.
Yakap na nagsusumidhi, iisa ang mithi.
[Wakas.]
Coldheart
Copyrights 2016
Plagiarism is a crime.

YOU ARE READING
YbraMihan One Shots
FanfictionYbraMihan independent stories that contains fans/authors' imaginanations on a set-up where they are in love.