Writer's Message (back page):
Sa ngayon, iniisip ko kung susugurin ba ako ng mga taong naiinis kapag hindi politically correct ang isang bagay. Gayunman, umaasa akong binasa mo ang librong ito nang may magaan na pagtingin sa libro.
Isinilang akong mataba. Sa tangkad na 5'3", ang pinakamabigat kong naitalang timbang ay 200 pounds. Pero hinala ko, naging mas mabigat pa ako diyan, tumigil nga lang akong magtimbang nang mag-200 pounds na ako. At isang araw, naisip ko na lang na gusto kong magpapayat. I lost about 70 pounds. Ang pinakamagaan kong naging timbang ay 132 pounds. At noon ko natuklasan kung gaano ka-superficial ang mundo. Kapag sumasakay ako sa train, pinapaupo na ako; samantalang noong kailangan kong maupo dahil overweight ako, deadma sila sa akin. Ang mga saleslady na dating hindi ako pinapansin pagpasok ko sa boutique, inaasikaso na ako, etc, etc.
Pero tumaba ako ulit. Ngayon, nagsi-seesaw ako sa 170-185 pounds. Hindi na tulad noon, hindi na ako nahihiyang sabihin ang timbang ko. I guess I'm too old for that now, I don't know.
I do have plans to lose weight again. Siguro itatanong mo, "Eh, akala ko ba ang point ng libro ay maging masaya sa timbang mo?" Nope. Ang gusto kong sabihin ay ganito: kung masaya ka sa timbang mo, 'wag mong pabayaan ang mga taong iparamdam sa 'yo na may kailangan kang baguhin sa katawan mo. PERO kung hindi ka masaya sa katawan mo, siguro puwede kang gumawa ng paraan para maging masaya ka. It's as simple as that.
Also, having a sense of humor helps in dealing with being overweight. Trust me, I know what I'm talking about here.
To all of you voluptuous ones, remember, you are not alone. And you are beautiful no matter what size you wear. Para sa atin ang librong ito.
Title: Diary ng Chubby (PLEASE NOTE, THIS IS FOR PHR)
Writer: Vanessa
Caption: I want a man who will stay beside me come what may. I want to grow old with that man, yet also growing as a person separate from him and sharing my growth and experiences with him. And together, we'll think the world is a funny place to be in and we won't take anything too seriously. We'll laugh each day, cherishing our home—which is any place in the world where we're together; that place—our place—will always be our own little world within the bigger world. And no one else can occupy it but us. Because that place was built from our laughter, pain, growth, and love.
Teaser: Ako si Yuli. Mataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng bilbil at baba ko.
Ito ang aking kuwento, ang pakikipagsapalaran ng isang babaeng maraming cellulite sa mundo kung saan galit ang mga tao sa fats; kung saan ang mga chakang boylet ay feeling utang-na-loob namin sa kanilang pansinin kami—excuse me po, kahit mataba ay may taste din; kung saan mas pinipili ng mga boylet ang mga chaka kaysa sa mga matataba—takot sigurong madaganan.
Paano kung sa paghahanap ko ng boylet ay isang bampira ang matagpuan ko? Puwes, buong-puso kong ipapasipsip sa kanya ang mga fats ko. Puwede kaya?
Ito ang heavy-gat na kuwento ng buhay at pag-ibig ng babaeng nagtampisaw sa labas ng bahay noong araw na magsabog ng fats ang langit. Ito ang diary ng mataba, na pasosyalin natin ang tunog at gawing Diary ng Chubby.

YOU ARE READING
Diary ng Chubby [Published under PHR]
RomanceMataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko at size ng mga pata ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng b...