WHOLE - Chapter 24

2K 96 6
                                        


CHAPTER 24

FAVORITE FOOD 20: Hakaw!

FAQ 20: "Papayat ka pa kaya?"

COMMON REPLY: "Ewan ko."

DEEP INSIDE: Bakit parang nawawalan ka ng pag-asa? Hindi ba dumaan sa isip mo na baka sakaling masaya ako sa size ko?

IMBIYERNA 20: Kapag nagsuot ka ng wedges na yari sa cork, isang gamitan lang, pipi na.

"How have you been?" tanong sa akin ni Gavril nang makarating kami sa dating pasyalan. Ngayong hindi na siya nakayakap sa akin, naramdaman ko ang lamig. Kakaiba nga, kahit malamig siya, kapag nakahawak siya sa akin, ang init ng pakiramdam ko.

Nagnanasa kasi.

At dahil ngayon malayo siya sa akin, na-realize kong lingerie lang ang suot ko sa loob ng robe. Siguro naramdaman niya kaya hinubad niya ang military uniform at ipinatong sa balikat ko.

"Thank y-you. Ano ang naisip mo at pumasok ka sa kuwarto nang walang paalam man lang?" Nakita kaya niya ako habang nakatapat sa salamin, nakabukas ang robe, nakatingin sa mga bilbil sa katawan sa harap ng salamin? Biglang nag-init ang mukha ko. Parang nakakahiya pero bakit ako mahihiya? Obvious naman na mataba ako, alangang magkaroon ako ng katawang Sam Pinto sa ilalim ng damit ko? Ano 'yon, may foam lang sa damit?

"Gusto kitang makausap nang walang makakarinig sa atin."

"Ano'ng sasabihin mo?"

"About the king."

"What about the king?" Humalukikip ako, defensive agad. Kinausap na niya ako noong nakaraan, hindi ba? Huwag niyang sabihing same topic na naman kami? "Ano ba ang pakialam mo sa amin ni Octavio, Gavril? 'Wag mong sabihing affected ka?"

"Sino ang hindi maapektuhan?"

Hindi ako agad nakaimik. "N-nagseselos ka?"

Ilang segundo bago siya nakasagot. "I have Lucretia. I just don't like how you get the king's hopes up. The king's and the rest of the kingdom—"

"Iyan ang gusto mong sabihin sa akin?"

"Yes."

"Hindi ba sinabi ko na noon sa 'yo na kung iyan lang ang sasabihin mo, kalimutan mo na?" Nawala ang drama mode ko, napikon ako. "Dalaga ako, binata siya. Ano'ng sinasabi mong get his hopes up—"

"So you're willing to marry him now?"

"I might be!"

"Right. Because only a few days ago you were in love with me."

Ramdam ko ang pandidilat ng mata ko. "Excuse me?"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "Do we really need to pretend, Miss Lion?"

Parang gustong umusok ng ilong ko. "No, Sir Gavril, we don't need to pretend! Akala mo nagkagusto ako sa 'yo? Muntikan lang. At ngayon, nagkakalapit kami ni Octavio, naiinis ka? Ni hindi man mo man lang ba naisip na posibleng nagkakagusto ako talaga sa kanya? And also, how can you be a hundred percent sure I am getting his hopes up by being his friend?"

"Being his friend?!" he scoffed. "You were touching his face, shaking your ass and your belly on his face! You're practically making out with him—" Natigil siya sa pagsasalita nang sampalin ko sa bibig.

Taas-baba na ang dibdib ko sa puntong iyon. "How dare you!"

"No. How dare you!"

Gusto ko siyang sugurin pero sa sobrang pagkabigla ko, ni hindi ko nagawang makakilos. Nandoon lang ako, taas-baba ang dibdib habang masama ang tingin sa kanya. Paano nangyaring nagkaganito na kami?

Diary ng Chubby [Published under PHR]Where stories live. Discover now