CHAPTER 11
FAVORITE FOOD #10: Nuts!
FAQ 10: Buntis ka ba?!
COMMON REPLY: "Sana nga!" or "Ni wala nga akong boyfriend!"
DEEP INSIDE: Ilang taon nang malaki ang tiyan ko at alam mo naman 'yon, bakit kailangan mo pang ipamukha sa akin? Kung itanong ko kaya sa 'yo kung sumubsob ba ang mukha mo sa sahig at bakit nagkaganyan ang hitsura mo, ano ang sasabihin mo?
IMBIYERNA #10: Kapag umorder ka ng salad sa restaurant at may kasama kang biglang papansinin 'yon at tutuksuhin kang nagda-diet. Why can't you leave me alone with my food? What's the matter with you? Seriously. Let me eat in effing peace, okay?
__
What the hell is wrong with me? Bakit ko tinanggap ang singsing ni Tadeo 'tapos ngayon namomroblema ako kung paano ko ibabalik? How the hell can I tell him I was just overwhelmed earlier? Isa pa, bakit siya nag-propose?! Hello, kailan lang kami nagkakilala! End of the world na ba at kailangan agad-agad? At sa lugar pa na maraming makakakita kung sakaling tumanggi ako? Unfair. Siyempre naiisip ko rin naman siya, 'noh! Ayoko naman siyang magmukhang kawawa, lalo na at nakatingin 'yong couple sa tabi namin. I mean, if it had been me proposing, I wouldn't want the bitch to say no, right? Bakit kasi sobrang ganda ko?
Ginawa kong drumstick ang ballpen, tinapik-tapik ang diary. Na-stress ako kay Tadeo. Parang gusto ko siyang awayin pero mahirap gawin, lalo na at ang ganda-ganda ng singsing na bigay niya. Hindi naman siguro siya magbibigay ng hindi totoo. Isa pa, mahalaga ang may pagtitiwala. Kaya bukas na bukas din, ipapatingin ko sa Cebuana kung ilang carats at kung flawless ba. Baka mamaya puwit ng baso. HAHA!
Itiniklop ko ang diary. Wala na akong maisip isulat sa pagka-stress. Isa rin akong estupida. Pero ganoon pala 'yon. Kapag nag-propose sa 'yo ang isang tao, talagang mahirap tumanggi. Naisip ko kanina, tanggapin na lang muna ang proposal 'tapos, saka ko na lang sabihin sa kanyang hindi ko siya feel pala. Sorry. 'Sensiya na.
Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ng ingay sa labas. Tumayo ako pero hindi pa ako nakakalapit sa pintuan, bumukas na iyon.
Nabigla ako pero natuwa rin nang makita ko ang bisita. "Gavril!"
Kasunod niya si Inday. "Ma'am, isasama raw kayo ni Sir!" Agad-agad niyang binuksan ang aparador ko at nagsimulang mag-empake.
"Teka, teka, ano ito?" Naguguluhan ako. Sige si Inday sa pagsaksak ng mga gamit ko sa bag.
"Eh, itatanan ka siguro, Ma'am. Hayaan mo na at feel na feel mo naman si Sir." Inagaw niya ang diary mula sa kamay ko, ipinasak sa bag.
"Gavril?" sabi ko, nakatingin sa guwapong mukha ni love of my life.
Seryoso siya. "I'm sorry, Yuli, but I have to take you with me."
"Para saan?" Tumaas ang kilay ko.
"A vacation."
"Biglang-bigla?"
"You have to come." Binuksan niya ang bintana. Nakita ko sa labas ang isang maliit na tao na kinausap ni Gavril sa wikang hindi pamilyar sa akin.
This is creepy. "Gavril, natatakot ako sa ginagawa mo. Please," sabi ko.
"We are running out of time! Let's go. Now. Now, Yuli." Hinawakan niya ako sa braso.
Pumalag ako. "Teka muna! Bakit nga?"
"Tadeo is taking you away."
"Kilala mo si Tadeo?"
"Yes. He is taking you away and I'm not going to let him. Let's go."
"No. Just no. This is insane!" Nasa-shock na ako. Anong kaguluhan ito?!

YOU ARE READING
Diary ng Chubby [Published under PHR]
RomanceMataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko at size ng mga pata ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng b...