EXCERPT:
"Ma'am, ano bang problema? Bakit para kang pig na hindi mapaanak?"
"Shut up!" sigaw ko.
Mukhang natakot. Kahit ako, natakot. Napahawak ako sa ulo at umupo sa kama. Parang taon ang umandar bago sumapit ang gabi, kung saan talagang gumawa na ako ng paraan para makausap si Gavril. Hindi siya mahirap hanapin, nasa garden siya. Nakaupo siya sa bench, nakapatong ang mga braso sa hita. Off duty na siguro kasi nakalilis na ang uniporme pero hindi man lang ako naisip puntahan. Nakakainis lalo pero hindi dapat uminit ng ulo ko. "Gavril?"
"Yes?" tanong niya, hindi man lang tumingin sa akin.
"Puwede ba tayong mag-usap?"
"About what?"
About what?! About what?! Parang uusok ang ilong ko! "Ano'ng about what?"
"Alam ko na kung ano ang sasabihin mo." Tumayo siya, bumuntong-hininga. "I knew it the moment you looked at me earlier."
Naipon lahat ng mga salita sa bibig ko. Alam na niya? At ganito ang reaksiyon niya? Kung nabasa niya sa mukha ko kanina kung gaano katindi ko siya gustong kausapin, bakit parang siya pa ang masama ang loob?
Still, nagdesisyon akong magpakahinahon. "May problema ba?"
"No. No problem at all. We'll just have to carry on as before. I have talked to the king about this and I told him about me and Lucretia. He even suggested that maybe I should ask her hand in marriage."
Wait lang. Wait lang! Huminga ako ng malalim kasi parang hindi ko na-gets. Matagal bago ako nakapagsalitang muli. "Sinabi mo kay Octavio ang tungkol sa inyo ni Lucretia kaya sinabi niyang magpakasal na kayong dalawa?"
Nagkibit-balikat siya. "Well, it's the natural thing to do, and I agree."
"Ah, okay. Maganda naman. Maganda 'yan." May mga pagkakataong lumalabas ang isang side ng pagkatao kong hindi ko alam na taglay ko pala. Ang loob-loob ko, nagkaroon na ng People Power at nagrebolusyon na ang mga lamang-loob, pero sa panglabas, kalmado ako. In fact, nagawa ko pang ngumiti. "Congratulations, Gavril."
"And all the best to you."
Tumango siya nang bahagya, tumango rin ako, saka pumihit. Pakiramdam ko, naglalakad ako sa ilalim ng dagat, mabigat ang bawat hakbang, ang emosyon ay na-shock. Patuloy lang akong naglakad nang naglakad hanggang sa makabalik sa kuwarto. Naupo ako sa kutson ng kama, tulala.

YOU ARE READING
Diary ng Chubby [Published under PHR]
RomanceMataba ako. Malaki ang tiyan ko pero hindi ako buntis. Kapag yumuko ako, hindi ko abot ang mga paa ko. Mataba ako. At hinuhusgahan ako ng tao base sa timbang ko at size ng mga pata ko. Maraming impression sa akin ang mga tao na nakabase sa dami ng b...