WHOLE - Chapter 25

1.8K 101 3
                                        


CHAPTER 25

FAVORITE FOOD 21: Fried chicken with gravy!

FAQ 21: "Nakakailang saing kayo sa bahay sa isang araw?"

COMMON REPLY: "Depende."

DEEP INSIDE: Kailangan pa bang itanong 'yan? Natural, lima! HAHAHA!

IMBIYERNA 21: Noong bata ka pa, hindi ka makasabay sa mga kaibigan mong naglalambaras dahil natatakot kang bumigay iyon (minsan ka na kasing binigo ng monkey bars).

Isa na namang makalaglag-pangang WOW nang makarating kami sa ballroom. Siguro hindi na ako dapat magtaka kung paano nila nagawang ganito kaganda ang ballroom sa loob lang ng isang buong araw. Lahat ng chandelier ay nakabukas. Parang isang kumikinang na ginto ang buong ballroom. The drapes were drawn and shimmering in gold. Ang grand staircase ay may red carpet na may gold trimmings at mayroong emblem ni Octavio.

Lahat ng mga kawal at ilang tagapagsilbi ay naka-gown at maskara! Kung isa akong politiko, una kong maiisip ay tinalbugan ng event na ito ang birthday celebration kong nabili ng pork barrel!

May orchestra sa isang panig ng ballroom. Hindi ko alam kung sino-sino ang mga iyon pero hinala ko, mga kawal din. Ang mga kawal naman ay nasa magkabilang tabi ng grand staircase, matitikas at may maskara. They all looked the same. Palibhasa uso ang guwapo sa lugar na ito, kapag natakpan na ang mga mukha at natira na lang ay buhok, ang hirap na nilang makilala. Si Martin lang ang mahirap ikubli pero hindi ko siya makita. Si Gavril nasaan kaya siya?

Tumunog ang trumpet ng orchsetra at isang lalaki ang nagsalita, "Presenting, the birthday celebrant, Lady Eulalia Lion, slayer of the draugr, hope of the Ancients!"

Nabingi ako sa palakpakan. Daming fans! Naengganyo ako at lalo nang nag-stomach in, chest out. Marahan akong bumaba sa grand staircase at doon, naghihintay sa akin si Octavio sa wheelchair niya. Kung bakit bigla talaga akong nalungkot. Hindi man lang kami makakapagsayaw. Siya ang may pakulo ng lahat ng ito, siya pa ang hindi makakasayaw. Nakaka-relate ako. Parang iyong party na pinlano ko bilang debut. Kaya lang ako naghanda dahil gusto kong um-attend ang crush ko at isayaw ko. Pero lintek, ang isinayaw ng crush ko ay isang kaibigan. At ako nganga. Ganoon di Octavio ngayon. Pero ang guwapo-guwapo niya sa maroon and gold doublet. Sa lahat ng anggulo, alam mong siya ang hari.

Hinalikan niya ang kamay ko. "Happy birthday, My Lady."

"Thank you." Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Please enjoy this night, My Lady."

"I will. And thank you, Octavio, for everything. You made this my most memorable birthday celebration. I can never thank you enough."

Ngumiti lang siya, mukhang masaya. Si Octavio lang ang walang maskara at siguro dahil mahihirapan din siya. Hindi na nga makakilos, tatakpan pa ng maskara ang mukha. Saglit lang kaming nagkuwentuhan at pinabayaan na niya akong makihalubilo sa iba.

"Ma'am, ako ito! Ako ito!"

Napalingon ako sa likod at muntikan nang napahagalpak ng tawa. Feeling ni Inday hindi ko siya makikilala samantalang mata lang ang may takip sa kanya. Hindi pa nakuntento, nagtapal siya ng name tag sa kaliwang dibdib.

"Ano 'yan?" turo ko sa name tag.

"Para walang lusot si Martin kapag nakita ko siyang may kasayaw na iba. Sabi ko sa kanya, hindi siya puwedeng makipagsayaw sa iba. 'Kako makikilala niya ako agad dahil sa name tag ko."

Wais din sa love life itong si Inday. Kami ang magkasama sa pag-iikot sa ballroom. Mayroon nang mga kawal na sumasayaw, katambal ang ilang mga babaeng tagapagsilbi. Mayamaya pa, isinayaw na ni Martin si Inday. Nakakaaliw silang pagmasdan. Hindi naman ganoon kaliit si Martin para yumuko pa si Inday. Iyon lang, nasa boobs ni Inday ang mukha ni Martin! Mukhang enjoy na enjoy ang bruha!

Diary ng Chubby [Published under PHR]Where stories live. Discover now