Chapter 2

33.6K 869 150
                                        

CHAPTER 2

FAVORITE FOOD #3: Kare-kare with bagoong and extra rice!

FAQ 3: May naging boyfriend ka na?

COMMON REPLY: Secret!

DEEP INSIDE: 'Wag mo 'kong kausapin! It hurts!

IMBYERNA #3: Kapag may mga taong nagbubulungan habang nakatingin sa 'yo, 'tapos magtatawanan at kunwari patay-malisya. Sa totoo lang, ha? Ano 'to, high school? Hitsura!

___

Nakaiwas ang bampira at para akong nakahinga nang maluwag. Naisip ko, ganoon ako ka-wild para sagasaan ang isang taong malamang naka-costume lang? Malapit sa SMX Convention Center ang parking area kaya malamang, mga taong nagko-cosplay ang nakasagupa ko at hindi totoong bampira. Bakit naman magkakaroon ng bampira sa panahon ngayon?

Pero mabilis ko pa ring pinatakbo ang sasakyan, gustong makalayo agad-agad nang matigilan ako. Teka muna. Tinakot ako ng todo tapos ganoon na lang? Ano ba ang meron sa araw na ito at ang daming bad trip? Lumingon ako sa rearview mirror. Nakatayo pa rin sa likod ng kotse ko 'yong bampira, doon sa spot malapit na pinaradahan ko. Muntanga. Taas-baba ang balikat niya, parang hinapo. Naawa ako. Siguro na-shock siya. Ikaw ba naman ang muntik sagasaan, hindi tataas-baba ang balikat mo sa hingal?

Magso-sorry ba ako? Ibinaba ko ang bintana pero ang lintik, biglang tumakbo papunta sa akin. Tinapakan ko ang selinyador sabay labas ng kamay sa bintana, nakataas ang middle finger.

"Shit ka!" sigaw-tili ko. Iba ang epekto ng isang baliw na 'yon, nakakatakot talaga. Ang galing ng costume ng lintik. Hindi bampirang mukhang kaakit-akit, kundi bampirang pang-horror talaga. Siguro napagtripan ako. Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, mga walang magawa sa buhay. 'Tapos ipo-post sa Facebook status ang mga "happening" nila.

Ang bilis ng patakbo ko sa kurbadang daan pababa ng parking area na halos sumayad na ako sa gutter. Pagdating sa ibaba, nakatikim sa akin ng bonggang-bongga ang cashier. Umuwi na rin ako, hindi makapaniwala sa nangyari buong araw. Gusto ko na namang mapaiyak na hindi ko maintindihan pero hindi na keri ng powers ko.

Sa Magallanes ako nakatira. Lumipat lang kami ten years ago. Bago 'yon, taga-Malibay kami. Umasenso sina Mama at Papa kaya nakalipat ng bahay. Ngayon, mag-isa na lang ako sa Pinas, kasama ang mga alaga kong aso at si Inday, ang aking slave. Tuwing umaga, lilipat lang ako sa kabilang bahay at hayun na ang office at factory namin. "Prudence Meat and Dairy" ang pangalan ng negosyo, hinango sa pangalan ni Mama—Prudencia. Gumagawa kami ng tocino, longganisa, ham, etc. Dealer din kami ng keso, yogurt, at iba ng dairy products na galing Australia at kesong puti galing Cavite at Laguna.

Pagkapasok ko ng kotse sa garahe, sinalubong ako ng mga aso ko—dalawang English bulldog, sina Tocino at Hamon, babae at lalaki, mag-jowa pero mga baog at hindi magkatuta.

"Juice ko, mas kaaya-aya pa ang mga mukha n'yo kumpara sa naka-date ko kanina," buga ko, napailing, naalala na naman si Jared. Binuhat ko si Tocino, sumunod si Hamon papasok ng bahay. "Sana tayo na lang tatlo ang nag-date, mas masaya pa. Imagine, Toci, ang sabi na naman sa akin, lakas ko raw kumain? Hay, Ham…" Tinulungan ko si Ham makasampa sa sofa, saka hinaplos ang tiyan niya. Tabain din itong dalawang alaga ko. "Mas gentleman ka pa sa kanya. Grabe, napagod ako sa pagtakbo. Para akong nag-workout. Parang ayoko na maghanap ng pag-ibig, guys. Buti pa kayo, you have each other. Eh, ako? Twenty-seven na ako next month, guys. Hindi na ako bumabata. NMSB pa rin ako. Ano ba 'yan, para akong nagutom."

Tumuloy ako sa kusina, saka nagbalik sa salang may dalang isang pint ng ice cream. Sinipa ko para mahubad ang mga sapatos ko. Stilletos ang mga 'yon pero mukhang hindi ko na maisusuot ulit. Pabigay na ang takong.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora