Chapter 10

19.2K 422 39
                                        

Chapter 10

"They may torture my body, break my bones, even kill me. Then they will have my dead body, but not my obedience." ― Mahatma Gandhi

__

Kausap ni Gavril si Martin, ang kaibigan niyang maliit na bampira at kasama upang tuparin ang misyong pagbawi ng kuwintas. Nag-uulat ang lalaki tungkol sa hiyas kung saan nakakulong ang Djinn ng Buhay. Nasa labas sila ng restaurant kung saan naroon sina Yuli at Tadeo, ikinukubli ng bahagyang kadilimang hatid ng isang matayog na puno.

"Wala sa lahat ng puwedeng kalagyan. Hindi ko alam kung saan na ako maghahanap. Mukhang wala ring ideya si Tadeo," wika ni Martin.

Tumango si Gavril, batid niya ang bagay na iyon. Kada isang siglo, susunduin ng Draugr ang hiyas na maglalaman ng Djinn ng Buhay. Madaling bilangin ang mga taon. At dahil sina Dmitri at Tadeo na ang siyang pinuno ng kanilang lahi, madali na ring matiyagan ang mga ito. May isa silang tauhan sa loob ng grupo nina Dmitri, isa ring tulad niyang sundalo ni Octavio, ngunit sumapi sa grupo nina Dmitri nang manakaw ng lalaki ang hiyas.

"Gem of Life" ang bansag sa hiyas kung saan naroon ang Djinn ng Buhay. The Gem of Life was the symbol of power to many vampires. Ang ilan naman sa kanilang lahi ay walang pakialam sa hiyas o sa mga sinaunang paniniwala, bagaman nananalig sa puwersang binuo ni Dmitri. Ilang kawal ang mayroon ito? Hindi na niya mabilang, at karamihan ay mga kawal noon ni Octavio, mula sa angkan ng mga piniling makasama ni Lucian mula pa sa simula. Sa lahi na nilikha ni Lucian—ang orihinal na bampira, ay iilan na lamang ang natira, bagaman lumikha rin ng sariling angkan ang mga iyon. These clans were either relatives by blood, or trusted friends chosen to be gifted with everlasting life. These people were ancient, proud of their heritage, and believed in the Gem of Life. It was like a religion. And they all felt like they were fulfilling a prophecy, being a part of it.

Mula sa tao ni Octavio sa loob ng grupo nina Dmitri, nalaman ni Gavril na nagpaplano sina Dmitri at Tadeo ng pagsakop sa mundo. They had been preparing for this. Batid ng mga ito na ang iilang bampira ay kulang upang labanan ang mga modernong makinaryang pandigma. They were still not ready. They were still lacking in numbers and arms; but they will get there soon. Maybe two more decades, maybe three.

Ayon din sa ulat, maraming miyembro ng mga sinaunang pamilya ang tutol, kundi man ay nagdududa sa mga ganitong usapin. Kaya tumagal nang tumagal ang pagsisimula ng plano. Kakailanganin kasi ni Dmitri ang katapatan ng mga sinaunang angkan. But most of these ancient heads of clan recognized that there was no need to take more; they had enough. Ano pa ba ang kakailanganin nila? Ngunit mayroon bang katugunan ang tanong kung bakit hindi nauubos ang pagkaganid ng isang nilalang? At ganid sa kapangyarihan ang mag-amang Dmitri at Tadeo. At nitong huli diumano, dala ng mabilis na modernisasyon ng mundo, ang ilang mga sinaunang pamilya ay nakukumbinse na ng mag-ama sa plano ng mga ito.

Sa paglabas muli ng Draugr, batid nina Dmitri na kailangan ng mga ito ng katiyakan na mananatili sa mga ito ang regalo ng djinn sa loob ng susunod na isang siglo. Kasabay niyon ay ang katapatan at pananalig ng mga sinaunang pamilya—ang mga itinuturing na maharlika. These royals had their own thing going on. Hindi iyon lingid sa kaalaman ni Dmitri. Ang iba sa mga ito ay mayroon pang koneksiyon sa mataas na sekta ng modernong mundo. Hindi nanaisin ni Dmitri na mawala ang suporta ng mga angkang iyon dito.

Diary ng Chubby [Published under PHR]Tempat di mana cerita hidup. Terokai sekarang