Don't feed the troll
"Gamit ang multiple dummy accounts ko, sinisira ko ang araw ng mga tao sa social media. Comment threads ng iba't-ibang pages ang paborito kong tambayan. Kapag may sasalungat sa paniniwala ko, raratratin ko ng insulto at mura. Hindi naman ako matalino. Wala rin naman akong alam. Pero ang sarap sa feeling na naipaglalaban ko yung punto ko nang hindi ako nakikilala at naiinsulto ng iba. Pero mas masarap yung feeling na pumapatol sila, galit na galit, habang ako naman tuwang-tuwa kasi napansin ako, at naba-badtrip sila. Yung mga tao patola at pikon talaga ang masarap pag tripan. Yung tipong ime-message ka pa at ia-add para gantihan, habang mamatay-matay sila sa inis, ako naman sumasakit ang tyan, na para bang nasa-satisfy ako kapag kumukunot ang kanilang mga mukha.
'Don't feed the troll' ang madalas na payo ng iba, pero marami pa rin talaga ang tanga na pilit lumalaban at nakikipag argumento sa troll na kagaya ko. Sinong tanga? Sila. Kahit anong insulto nila hindi ako apektado eh, kasi hindi naman nila ako kilala." -- Troll
---
Disclaimer: Ginawa ko 'to para maging aware ang lahat na hindi dapat pinapatulan ang mga trolls na nagkalat sa social media. Habang nakikita nilang pumapatol at naba-badtrip ka, mas natutuwa sila. Kaya imbis na mag-reply kayo sa kashitan ng mga trolls na 'yan, i-block niyo nalang agad.
Matt
2009
IAS
FEU Manila
