Sundo
"Aware ba kayo na bago namamatay ang isang tao ay makakakita muna sila ng mga kakilala nilang yumao na?
Namatay ang lolo ko two years ago, at nang nasa ospital kami. Itinuturo niya sa gilid ng pader na naroon daw ang nanay niya. "Nanay" "Nanay" habang nakaturo ang daliri sa bahagi ng kwarto na walang tao. Ang nanay ng lolo ko ay ilang dekada ng yumao. Kinabukasan, matapos mangyari iyon, namatay na ang lolo ko.
Ilang buwan ang lumipas, namatay ang lola ko. Asawa ng lolo kong nauna ng yumao. Bago siya namatay, tinatawag niya ang pangalan ng lolo ko na para bang nakikita niya ito at kinabukasan, yumao narin ang lola ko.
Ganun din ang nangyari sa pinsan ko na namatay sa sakit sa puso. Gabi bago siya pumanaw, naikwento niya pa sa amin na nakita niya ang nanay niya na matagal naring patay. Tinatawag daw siya nito ngunit bigla nalang nawala.
Naikwento ko na ito sa iba ko pang mga kakilala at sinasabi nilang ganun din ang kamag anak nila bago pumanaw. Ganun din na nakakakita ng mga kamag-anak o mahal sa buhay na yumao na at nagsisilbing taga sundo.
Alam kong darating din ang araw ko at makikita ko rin ang lolo, lola at pinsan kong susundo sa akin.
Ikaw? Sino sa tingin mo ang susundo sayo?"
xux
2011
IABF
FEU Manila
