Nilait. Nagpractice. Naging better.

618 5 0
                                        

Nilait. Nagpractice. Naging better.

"Naalala ko nung 6 y/o ako, nasa tapat ako ng salamin sa kwarto ko, kumakanta. Tapos si papa biglang pumasok sa kwarto ko galit na galit. Sinigawan ako.

"ANO BA YAN! ANG INGAY-INGAY MO! ANG PANGIT NAMAN NG BOSES MO!"

sabay labas siya ng kwarto.

Iyak ako nang iyak nun. Halos three to four hours umiiyak lang ako sa kwarto ko. Ang sakit eh. Tatay mo sasabihan ka ng "Ang pangit ng boses mo"? Though, pangit naman talaga ang boses ko nun, parang ginugupit na yero. Pero kinabukasan nun, kumanta pa rin ako. Kinabukasan, kumanta ulit. Practice lang ako nang practice. Hindi ako tumigil. Walang naka-pigil sakin. And years later, singer na ako. Halos lahat ng nakakarinig sakin kumanta, nagagandahan sa boses ko in contrary sa mga salitang naririnig ko noong bata palang ako. Naging member ako ng FEU chorale noong college, singer din ako noon sa Institute namin na kasamang nag pe-perform sa auditorium, at ngayon, vocalist na ako sa sarili kong banda ngayon.

Kung itinigil ko ba yung pagkanta noon, aabot ba ako dito? Kung nagpa-dala ba ako sa sinabi ng tatay ko noong 6y/o ako, maaabot ko ba ang pangarap ko ngayon? Hindi. Diba? Yung mga panlalait na naririnig ko noon, ginamit ko siya as a motivation para i-pursue ang pangarap ko and at the same time, to be a better person.

Anong point ng story ko? Gusto ko lang i-share ang kwento ko to somehow inspire you na wag kayong magpa-dala sa masasama at masasakit na sinasabi ng iba para i-tigil niyo ang pangarap niyo. Wag kayong papanghinaan ng loob dahil lang sa nasaktan kayo sa sinasabi nila, kasi buhay mo naman yan after all. Gamitin niyo yung mga panlalait na yun as a "lakas ng loob" para next time na makita mo sila, hindi ka na ulit mala-lait at hahangaan ka na nila.

Common example sating mga Pinoy: Nilait ka kasi mali-mali ang grammar mo. So anong gagawin mo? Hindi ka na mag ta-try mag English ulit. Nahihiya ka na eh, takot ka nang malait. Parang umagree ka na sa sinabi nilang bobo ka sa English at mamamatay ka ng bobo sa English. Ganun nalang? Sinong dehado? Sila ba? (Sorry medyo harsh)

Pero diba ang dapat mong gawin eh mag-aral, magbasa, practice, practice practice at i-take mo yung criticisms as motivation para mabago mo yung weakness mo? Para soon, ma-perfect mo? Ganun lang yun.

Hayaan niyo yang mga nanlalait sa inyo, mga pakshit sila! Nganga na yan sa inyo soon."

Paul
2011
IABF
FEU Manila

The FEU's Secret Files 4Where stories live. Discover now