Kababalaghan sa loob ng bahay namin

832 3 1
                                        

Kababalaghan sa loob ng bahay namin

"12 years na kaming nakatira sa bahay na inuupahan namin ngayon.

Sa ilang taon na 'yan madami na akong naranasan na kakila-kilabot maging ang mga naging o kasalukuyan kong kasama sa bahay.
Isa-isahin ko . Haha.
Part 1

Dati, may mga lumang gamit sa itaas ng cabinet namin sa kwarto. Dumating ang nga tiyuhin ko noon galing ng probinsya , sa kapilyuhan nila ginalaw nila ang mga lumang gamit na iyon. Pinaglaruan nila yung bola, kinuha ang panyo, at iba pang gamit. Madaling araw, narinig nalang namin na nagsisigawan yung mga tiyuhin ko at may kumaripas pa ng takbo palabas.

Kinabahan kami non at tinanong sila kung bakit. Apat sila na mga tiyuhin ko na natulog sa sala. Sabi nila, may narinig sila na naglalaro ng BOLA at mga holen. At may naririnig silang tawa ng isang bata habang naglalaro at pati ang mga yapak nito Tapos may nag ""Psst! Psst!"" Sa kanila nanggaling sa labas ng bintana . ang matindi hindi nakasara ang bintana namin. Bukas na bukas.
Kahit ilang beses nilang silipin sa bintana , hindi nila nakikita kung sino yung nag ""psst"" sa kanila .

Bago mangyari 'yon, sinabihan na sila ni mama na huwag mangialam ng mga lumang gamit baka daw kasi gambalain sila ng mga dating may-ari nito.

Kinabukasan, binalik nila ang mga gamit na kinuha nila kung saan nila ito kinuha. Natakot mga tiyuhin ko, kalalaking tao. 'Yung isa kong tiyuhin 'di na ulit natulog sa'min. 'Di na bumalik. Doon na siya natulog sa isa naming kamaganak sa 2ndfloor ng building .

Lesson learned.

May part 2 . Abangan.
Marami pa po akong makukuwento. :)

"

Threeemojis
2018
PUPSHS

The FEU's Secret Files 4Where stories live. Discover now