Joker ^___^
"Siya 'yung tipo ng kaibigan na joker sa barkada. 'Yung kapag nandiyan siya, lahat tumatawa. Siya yung palaging masasandalan mo kapag may problema ka, pagkatapos niyang mag-payo, patatawanin ka niya. Siya yung palaging magsasabi sa lahat na, 'Kaya mo yan. Ikaw pa?! Strong ka eh!' Bibigyan ka ng lakas ng loob bumangon kapag down na down ka na. Siya yung kaibigan na magbibigay sayo ng tapang kapag napanghihinaan ka na ng loob. Siya yung kaibigan na gagawin lahat para sa barkada, kahit makalimutan na ang sarili basta mapa-saya lang kayo.
Siya yung barkada na hindi mo makikitaan na mahina siya, na may problema siya, na nasasaktan din siya. Kasi para sa kaniya, kapag ipinakita niyang ganun siya, kakaawan niyo siya at malulungkot din kayo para sa kaniya. Eh ang gusto niya masaya lang lahat. Kahit pag-uwi niya ng bahay, dun niya iiiyak lahat.
Lahat ng problemang nagpapasakit sa kaniya. Lahat ng problemang kinikimkim niya. Lahat ng problemang haharapin niyang mag-isa. Sa panlabas na emosyon matapang siya, pero sa loob, durog na durog na siya.
Asan na nga ba siya ngayon?
Eto, nagsusulat nalang...
Nagsusulat nalang para i-send sa FEUSF kasi hindi niya kayang ilabas sa mga taong nagmamahal sa kaniya lahat ng hinanakit niya sa mundo."
Ivan
2023
IABF
FEU Manila
