Mark
Lagi kong nakikita sa call history niya na palagi niyang kausap yung barkada niya. Isang oras, dalawang oras, ganon pa sila katagal mag-usap. Tinanong ko siya kung anong pinag-uusapan nila, "Wala. Basketball lang" sagot niya. Yung convo nila sa messages palaging deleted kaya lalong hindi ako naniwala. Napa-paranoid ako. One time kinalkal ko yung phone niya nang hindi niya alam. Nasa condo niya kami, tulog siya. Yung phone niya hindi ko mahagilap sa tabi niya, kaya pinag-ring ko. Alam niyo kung san niya tinago? Sa loob ng dryer. Tangina sinong hindi maghihinala dun diba? Palaging todo tago ng phone. Kinukutuban ako na baka hindi yun yung barkada niya, at babae niya yun na pinalitan niya lang ng pangalan.
"Pupunta dito si Fed (ako), bukas ka nalang punta dito i love u"
Ganyan yung nabasa ko sa convo nila sa phone niya! Gigil na gigil ako. Gusto ko siyang sapakin habang natutulog pero naisip kong mas exciting kung hulihin ko muna sila sa akto para pati yung babae masapok ko! Binalik ko yung phone niya sa loob ng dryer. Ginising ko siya at nagpanggap ako na parang walang nangyari. Pucha ang hirap! Gusto ko talaga siyang saktan dahil sa nalaman ko pero kinailangan kong mag-act na okay ako. Sabi ko uuwi na ako kasi gagawin ko pa yung assignments ko. Ayun, umalis ako.
Kinabukasan bumalik ako sa condo niya nang walang pasabi sa kaniya. Tinanong ko yung ka-close kong receptionist dun kung may dumating na bisita yung boyfriend ko, at meron daw. Tangina! Elevator palang iniisip ko na kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa once na mahuli ko, kokrompalin ko talaga yung babae tangina. Pagdating ko sa condo naka-lock yung pinto. Kumatok ako.
Pagbukas niya... gulat na gulat siya. Nakahubad siya at naka-twalya lang yung pangbaba niyang katawan. Hinarang niya ako. Nagpumilit akong pumasok. Hindi ko inexpect na ako pala ang mas magugulat.
Yung barkada niyang si Mark... NADATNAN KONG NAKAHUBO'T-HUBAD SA KAMA NIYA!
Umamin yung boyfriend ko na may relasyon sila. Nakipag-break ako. Hindi ko ma-imagine hanggang ngayon kung gaano siya ka-baboy. Imagine? May nangyayari sa kanila, tapos may nangyayari samin? WTF!
Fed
2010
ITHM
FEU Manila
