Pag-asa
Bukod dito, nagagalak tayo sa ating pagbabata sapagkat alam nating ito ay magbubunga ng pagtyatyaga, at ang pagtyatyaga ay nagbubunga ng katatagan at ang katatagan ay nagbubunga ng pag asa. Hindi tayo mabibigo sa ating pag asa sapagkat ang pagibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating puso sa pamamagitan ng Esperitu Santo.
Luke 5:3-5
Kung nasa panahon ka ngayon na dumadaan ka sa madaming pagsubok, normal lang yan wag ka lang susuko. Dahil yan ang paraan ng Lord para patatagin ka. Kung hindi mo mararanasan ang lahat ng yan hindi ka magkakaroon ng katatagan sa puso mo. Tandaan mo na ang mess mo ngayon ay magiging message mo para sa iba, at ang test mo ngayon ay magiging testimony mo sa ibang tao pagdating ng panahon. Kung working student ka at nakagraduate ka, magiging inspirasyon ka iba na nandun pa lang. Kung basagulero ka dati at nagbago ka, kung maaga ka nagkablessing na baby pero napalaki mo sya ng tama at may takot sa Lord, kung iniwan ka pero nagmove on ka at pinagbuti ang sarili mo, kung walang wala ka ngayon pero nagsikap ka at nalampasan mo madaming buhay ang maiinsipire sayo. Ang paghihirap mo ngayon wag mo lang sukuan, ay magiging pag asa para sa iba someday.
---*
Ngunit pagsumakitan nyo ng higit sa lahat ang Diyos at mamuhay na naayon sa kalooban nya at ipagkakaloob nya ang lahat ng kailangan nyo.
Mateo 6:33
Hindi natin kailangan mag alala dahil kahit ano pang hirap ng sitwasyon may Lord tayong magpo'provide ng mga kailangan natin. Ang gusto lang ng Lord ay sumunod tayo sa kanya. Mapalad tayong hindi pekpekto dahil palagi tayong lalapit at dudulog sa Lord. Wag tayong mag alala sa kahit ano pa mang bagay. Sya ang lumikha ng lahat wala kang kakailanganin na hindi nya mabibigay. Magtiwala ka lang, magtiwala at magtiwwala. Seek and you will find. Isuko ang lahat ng pangarap sa kanya at mamuhay ng naayonsa kalooban nya.
---*
Repentance
Magsisi kayo samakatuwid, magbalik loob upang ang inyong mga kasalanan nawa ay mapawi, kapag ang mga panahon ng kaginhawaan ay dumating mula sa harapan ng Panginoon.
Gawa 3:19
Hindi pa huli ang magsisi bumalik sa Lord. Anuman ang mga kasalanan natin ay ihingi natin ng tawad sa Lord. Nagkamali ka lang pero hindi ka pagkakamali. Palagi Nya tayong bukas palad na iniintay. Hindi mahalaga ang Lord ang umaalis dahil mas mahalaga sa Kanya ang mga taong kahit alam sa sarili na makasalanan ay bumabalik padin sa Kanya. Kung wasak kana ngayon, walang ibang makakabuo sayo kundi ang Lord.
---*
Comfort
Magalak ng palagian. Manalangin ng walang tigil. Sa bawat bagay magbigay pasalamat sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus patungkol sa inyo.
I TESALONICA 5:16-18
Tayo ay dapat maging masaya dahil from the very thought na buhay pa tayo at gumigising tuwing umaga ay blessing na galing sa Lord. Araw araw ay bagong dahilan para maging masaya at ienjoy ang hangin, dagat, mga kabundukan, kaibigan, pamilya, ang buhay. Hindi instant ang resulta ng panalangin natin. Hindi porke hindi nangyayari ang pinapanalangin natin ay hindi na tayo pinakikinggan ng Lord. Sumasagot sya sa paraang hindi natin naiintindihan ngayon pero in time malalman din natin ang dahilan. Magpasalamat tayo sa lahat ng blessing maliit man o malaki dahil galing yun sa Lord.
Kung nasa sitwasyon ka na nakakawalang gana na. Kahit ang bagay na gusto mo gawin dati parang hindi na ngayon. Yung mga bagay na naeexcite ka dati parang hindi na ngayon. Mahanap sana natin ang motivation at inspiration in God's love at mahanap sana natin ang comfort at peace of mind in God's promise na may nakalaan para sa atin lahat. Magtiis lang tayo at magtyaga at mag intay.

YOU ARE READING
God's Word and Lecture
SpiritualHighest rating: #1 Hi guys~ must read this for your spiritual life. Must know the Word of God. :) This is really important, and must treasure. :) And I hope it will help you. Thank you~ ;)