Lecture 3

4.2K 70 8
                                        

Sunday Lecture

Title: ANG MAMUHAY NG MAY KABANALAN

Born again - binago ng Diyos spiritually.

Ephesians 1:4

"For he choose us in him before the creation of the world that we should be holy and without blame before him in love."

• Kapag inlove kay Lord walang malayo. Kahit malayo yan pupuntahan mo yan makarinig ka lang ng preach niya.

• Mag-desire ka at ikaw ang bibigyan ng Diyos.

• Kita ng kaaway kung anong iyong ginagawa kaya kung ang gagawin mo ay masama nagagalak ang mga yan at tuwang tuwa dahil nahahatak ka nila.

• Sa Diyos walang blackout palaging kita ang ginagawa mo kaya matakot ka sa ginagawa mo kung iyan ay hindi makabuluhan.

• Ikaw ay maging tagapamagitan sa taong magkaaway. Hindi yung kapag yung unang nagsumbong sayo yun agad ang kakampihan mo. Minsan kasi nadadagdagan pa ng ibang salita yung unang nagsumbong sayo kaya sa kanya ka na kakampi kaya ang mas maigi mong gawin ay alamin muna ang lahat at pagbatiin mo silang dalwa.

1. Gawin nating ang kahulugan ng victory tagumpay ang kabanalan

Matinding kalaban ng Kristiyano:
* gadgets
* career

• Ang Kristiyano dapat ay palaban sa kasalanan.

• Kapag may pagsubok kayo, magpasalamat kayo. Biyaya yan. Diyan kasi tayo sinusubok kung gaano tayo lalapit sa Lord at kung gaano tayo tatawag sa kanya. Sa paraan kasi ng mga trials dito nahuhubog ang spiritual natin.

• Walang Kristiyanong talunan.

• Kung ang desire mo lang ay dito sa mundong ito ikaw ang pinakanakakaawang nilalang sa balat ng lupa.

• Kapag ikaw ay tinatama ng Lord magpasalamat ka.

• Ang sunday ay para kay Lord. Sa kanya lang guys! Sunday na nga lang, ipagdadamot niyo pa ba? Ang Lunes hanggang Sabado inyong inyo na yan, kaya pag Sunday naman magsimba tayo. It's Lord's Day at nasa ikatlong utos yun ng Diyos. Bakit? Hindi naman kayo mag-stay magdamag sa church ah. 3 oras lang naman ang ibibigay niyo para lang makinig bakit hindi pa magawa? Guys, magbago na okay? Gawin ang mga dapat gawin. Win soul and make disciples!

• Kaya ayaw pumunta ng tao sa church kasi ayaw talaga. Madaming dahilang sinasabi tulad na lang na "Dadating kasi ang kaibigan ko ngayon" Ano naman kung dumating yan? Hindi ka ba natatakot sa pagdating ng Lord? Matakot ka dahil hindi mo alam kung saan ka mapupunta.

• Paano mo masasabing mahal mo ang Lord kung hindi mo naman sila mahal? Love them! Pray them!

• Hindi kayang abutin ng tao ang pag-ibig ng Lord. Hindi kaya ng taong ipaliwanag kung gaano tayo kamahal ng Lord dahil walang katumbas ang LOVE niga sa atin.

Tanda ng pagiging banal
a. Hindi nabubuhay sa pandaraya
b. Kinamumuhian ang gawang masama o galit sa kasalanan

2. Pagtibayin ang iyong "Commitment" sa panginoon sa pamamagitan ng araw araw na disiplina

Malachi 3:17

"Sila'y magiging akin," sabi ni Yahweh.
"Sa araw na ako'y kumilos, lubusan silang magiging akin. Kaaawaan ko sila tulad ng pagkalinga ng isang ama sa anak na naglilingkod sa kanya.

Tawanan mo ang iyong problema. Ang Kristiyano dapat ay palaging masaya.

3. Hilingin sa banal na espiritu na mas mapalapit sa kanya at makapamuhay ng banal

Romans 8:29

"Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito'y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak at sa gayon naging panganay natin siya."

Conclusion:

Ibigin natin ang Diyos.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now