Sharing 15

433 11 0
                                        

COME HOME 
                                                                                 
Sinabi pa ni Jesus, "Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, 'Ama, ibigay nyo na po sa akin ang mamanahin ko. 'At ibinigay nya ito. 
Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo nyang kayamanan at nilustay iyon sa di wastong pamumuhay. Nang maubos yaon nagkaroon ng matinding tag gutom sa bayan at nagdalita sya. Kaya namasukan sya doon bilang nag aalaga ng baboy.  Handa sana syang kainin kahit ang mga pagkaing para sa baboy pero walang magbigay sa kanya. Naisip nya na ang mga alila ng kanyang ama ay may sapat na pagkain samantalang sya ay namamatay sa sa gutom. Kaya nagpasya syang bumalik. "Hindi na po ako karapat dapat tawaging anak kaya ibilang nyo na lang po ako na isang alipin." Malayo pa ay tanaw na sya ng kanyang ama at ito ay labis na nahabag sa kanya, patakbo syang sinalubong at hinagkan. Tinawag ng ama ang kanyang mga alila, 'Madali! Dalhin nyo dito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, suotan sya ng singsing at panyapak. Kunin ang pinaka matabang guya at patayin, kumain tayo at magsaya. Sapagkat namatay na ang anak kong ito ngunit muling nabuhay, nawala ngunit nasumpungan. 

LUKE 15:11-24

Kahit gaano pa kabigat ang kasalanan mo,  kapag bumalik ka sa Lord ibang tao kana.  Namatay na ang dating ikaw at muling nabuhay na kasama ang Lord. Sinabi satin ng Lord ang kwento ng suwail na anak para ipahiwatig na giliw na giliw na syang tanggapin tayong muli sa piling nya. Babalewalain Nya ang lahat nagawa natin basta bumalik lang tayo at sumunod sa Kanya.  LHindi maipapaliwanag ang pagmamahal ng Lord sa atin. Dahil walang kwenta sa kanya na umalis ka ang mahalaga ay bumalik ka.

Kung mabigat ang araw mo ngayon, kaya mo yan laban uli bukas. Kung magaan naman, thank Him. Bagong buwan bukas.  Bagong challenges at blessing. Enjoy and overcome it all with Him.

---*

Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang Panginoon, sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya'y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Diyos at sa mga kayamanan.

LUKE 16:13

Hindi ipinagbabawal ng Lord na mangarap tayo na magkaroon ng financial stability.  Pero paulit ulit na sinasabi ng Lord na hindi makakabuti ang paghahangad ng sobra sobra.  Hindi naman tayo pinababayaan ng Lord sa lahat ng pangangailangan natin kaya sana makuntento tayo sa sapat.  Kapag mayaman tayo nakakalimutan na natin na hindi tayo kayang iligtas ng kayamanan natin. Ginagawa natin itong Diyos. Sabi nga ng Lord kailangan maipasok sa butas ng karayom ang isang kamelyo para magpasakop sa Lord ang mayayaman. Ang iniipon dapat natin ay kayamanang madadala natin sa langit.  Ito ay kagandahang loob at pagmamahal sa kapwa lalo na sa Lord. 

---*

REAL WORSHIPER           
                                                                                                                                                         
Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Diyos. At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Diyos sa pamamagitan niya.

COLOSAS 3:16-17

Ang pagkanta at pagsasaya sa worship ay may mahalagang dahilan. Bakit naiiyak kapag nakakarinig tayo ng mga worship songs?  Dahil umaapaw sa pasasalamat ang puso natin na kahit hindi tayo deserving niligtas pa rin nya tayo. Hundreds of songs ang pinagtyatyagaan natin i'download, may isa man lang ba dun na para Lord?  Mahalaga na may spiritual family tayo. Surround yourself with people who will remind you kapag mali na ang ginagawa mo. At mag aalala sayo kapag nalilihis kana. Kapag may taong nagsasabi sayo na mga mali mo dapat ingatan at pahalagahan mo sila kasi sila ang tunay na may pakialam sayo. Ayaw nilang maligaw ka at mapariwara.  Ang mga taong nagkukunsinti sayo kahit mali ka ay Hindi tunay na nagmamahal.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now