JOY AFTER THE RAIN
Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan. At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.
John 16:21-22
Alam ng Lord na may pinagdadaanan tayo ngayon. Alam nya na nasasaktan tayo. Alam nya na nalulungkot tayo. Sabi ng Lord, pagkatapos ng lahat ng iyon, kapag hindi tayo sumuko at napagtagumpayan natin ito naghihintay satin ang saya, at kagalakan. Kapit lang Kapatid. Nasa dulo ng pagsisikap ang saya. Nasa dulo ng paghihintay ang magagandang bagay. Nasa dulo ng paghihirap ang pahinga. Nasa dulo ang Lord, tuloy laaaang. Gagraduate ka, makukuha mo ang trabahong gusto mo, mabibili mo din yun, mapupuntahan mo yon at dadating ang nakalaan para sayo. Wag ka lang bibitaw. Magkita tayo sa dulo.
---*
Puso
Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Kung nagmamahalan kayo, malalaman ng lahat ng tao na mga tagasunod ko kayo.
JOHN 13:34-35
Palagi natin iparamdam sa isa't isa ang pagmamahal, na ang lahat ay hindi nag iisa sa laban, pighati at kalungkutan. Talk to each other. Care for each other. Minamahal tayo ng Lord at yun ang kaisa isang dahilan kung bakit nandito pa tayo kaya marapat lamang na ibalik natin sa kapwa ang pagmamahal na yon. Mahalin at magpahalahanan tayo sa isat isa. Ang isang "Kamusta ka?", "Okay ka lang ba?", "Nandito lang ako." ay simple pero mahalagang bagay na pwede natin gawin para sa kapwa natin. Sa mundong ito ay hindi mauubos ang problema, paghihirap at challenges pero kung aalalayan natin ang isat isa, kung maglalakad tayo ng magkakasama kasama ang Lord walang mabigat, magiging magaan ang lahat at makikita natin lahat ang ganda ng mundo at mamuhay dito kung may pagmamahal.
---*
Faith
Thomas, dahil nakita mo ako ikaw ay nanampalataya. Mapapalad sila na hindi nakakita ngunit naniniwala.
John 20:29
Hindi na natin maiibabalik ang nakaraan para mawitness ang pagdating, pagtuturo, pagpapakahirap at pagkamatay ni Jesus ng para sa atin. Pero ngayong panahon, sapat na ang buhay na meron tayo at ang mga blessing na natatanggap natin para maniwala ka na may Lord at Cristo na nagmamahal at nagligtas satin sa pagkakasala. Maniwala ka. Dahil lahat ng patunay ay sapat na.
---*
Bigyan natin ng kasiyahan ang ating kapwa kung sa ikabubuti nya upang lumakas ang kanyang pananampalataya.
Roma 15:2
Magpaalalahanan tayo sa isat isa. Ipakita natin sa isat is a na may pakialam tayo sa kanila at hindi nati sila iiwan sa oras ng lungkot o panghihina. Gawin natin ang pundasyon ng pagmamahal natin ang pagmamahal na binigay satin ng Lord. We love because He first loved us. Palagi natin sabihan ang kapwa natin kung naliligaw na sila. Hindi yun panghuhusga o pakikialam, kung pagmamahal.
Smile because you are blessed. Ano man haharapin mo ngayong araw. Kayang kaya mo yan. Buhat ng Lord. Ingat.

YOU ARE READING
God's Word and Lecture
SpiritualHighest rating: #1 Hi guys~ must read this for your spiritual life. Must know the Word of God. :) This is really important, and must treasure. :) And I hope it will help you. Thank you~ ;)