Sharing 7

365 6 0
                                        

Faith

Tandaan nyo ito, "Kung nananalig kayo sa Diyos at hindi nag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang tulad ng ginawa ko sa igos na ito (natuyo sa isang iglap dahil hindi nanamumunga). Hindi lamang iyan! Kung sabihin ninyo sa bundok na ito, "Umalis ka riyan; tumalon ka sa dagat" mangyayari ang iyong sinabi. At anumang hingin nyo sa palangin ay tatanggapin nyo kung nananalig kayo."

MATTHEW 21:21-22

Hindi sapat ang panalangin lang dapat nananalig ka rin na makakamit mo yun at kung nananalig ka sa Kanya naniniwala ka na Sya ang Diyos na buhay at tunay at dapat sinusunod mo ang mga utos Nya at mga salita nya. Read and meditate your Bible. Hindi mo masasabing kilala mo ang Diyos kung hindi mo binabasa at sinusunod ang mga salita nya. At paano ka mananalig sa hindi mo kilala? Kaya naman, ang pananalangin, pananalig, pagkilala at pagsunod ay magkakaugnay. Faith can move mountain. Patience. Believe.

---*

Friendship

Ng isang araw nagpunta si Jesus ilang para manalangin at sumasakanya ang kapangyarihan na makapagpagaling ng maysakit. Ng may apat na taong dala ang isang paralitiko. Nagpipilit silang ilagay ito sa harapan ni Jesus ngunit wala silang madaanan sa dami ng tao. Kaya umakyat sila sa bubong at binutas iyon at bumagsak ito sa harapan Nya. Nang makita ni Jesus kung gaano kalaki angkanilang pananalig ay sinabi Nya "Kaibigan, pinatatawad kana sa iyong kasalanan." At ito ay gumaling at nagpuri sa Diyos.

LUKE 5:17-26

Sa oras nato sino sa mga kaibigan mo ang maituturing mong totoo? Kagaya ng apat na kaibigan ng paralitiko na ginawa ang lahat para madala sya sa Diyos. Saan ka dinadala ng kaibigan mo? Tandaan natin na ang TUNAY na kaibigan ay hindi yung nagto'tolerate ng mga ginagawa mo dahil alam nilang mali yun, yung pinagsasabihan ka. At ikaw din? Anong klase kang kaibigan? Ang magkaibigan ay dapat tinatama ang isat isa dahil sa pagmamahal. Kasama mo lahat ng iyak at tawa hindi lang sa masasayang sandali. Ang kaibigan yung aakayin ka sa Lord at hindi ka susukuan hanggang huli.

---*

BEAUTIFUL SAVIOUR

"Sapagkat gayon inibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinagkaloob nya ang kanyang bugtong na isinilang na Anak, upang angsinumang sumampalataya sa kanya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang hanggang buhay."

JOHN 3:16

Tanggapin natin ang regalong bigay ng Diyos na nasa langit. Kahit sobra ang pagmamahal nya kay Jesus pinagkaloob nya na makita na nag su'suffer at namatay sa Jesus para lang sa mga kasalanan natin mga tao. Deserving ba tayo? Karapat dapat ba tayo? Sa kabila ng mga pagkakasala natin mahal at hindi tayo iniiwan ng Lord. Ang buhay natin ang dahilan kung bakit sya nagpakasakit at namatay tapos dahil lang sa maling relationship, dahil lang sa acads natin mga exams, dahil lang family problem o self issue natin nawawalan na agad tayo ng pag asang mabuhay? Sa tuwing pinipili natin ang lumayo sa kanya at magkasala para narin nating pinapapako si Jesus sa krus ng paulit ulit. Dahil kahit gaano pa tayo nagkamali, kahit ilang beses pa yan, magsisi lang tayo at kilalanin sya. Mahal padin Nya tayo at tatangapin.

--*

Sapagkat ano ba ang mapapakinabang ng isang tao kung makamtan nya ang buong mundo at maiwala ang kanyang sarili o mapahamak?

LUKE 9:25

Maaaring makuha mo ang buong mundo, ang lahat ng kayamanan, ang lahat ng pag aari at lahat ng kasiyahan ng mundo pero hindi ka maiiligtas ng mga iyon. Kapag dumating na sa huling pahina ang iyong libro ang kayamanan ng iyong puso lang ang madadala mo sa Diyos. Huwag sana tayong magpaagaw sa mundo, gadgets, paglalasing at labis na pagsasaya, kahalayan, social media at lahat ng bagay na nakakapaglayo sayo sa Lord. Lord is everything. Kapag nasa Lord ka nasayo ang lahat. Hindi masamang mangarap basta ang Lord ang nago-glorify natin at ang Lord pa din ang sentro ng ating buhay.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now