Sharing 1

1.5K 35 0
                                        

Good day Brothers and Sisters.

Gusto ko lang sabihin dito na katatapos ko lang magbasa ng Letters from Jesus este hindi ko pa pala tapos kasi iyak na agad ako ng iyak. Naiiyak ako talaga guys.

Bakit? Dahil sa halip na tayo ang mag-offer sa kanya, siya pa yung nag-ooffer sa atin. Ang sakit sakit na bakit siya pa yung kailangang mag-offer satin ng walang hanggang pagmamahal sa kanya?

Nakakahiya diba? Nahihiya ako sa sarili ko na wala akong masyadong magawa para sa Lord. Minsan nagdadalwang isip pa ako, napakahirap, napakasakit.

I always committed sin na sinasabi ko sa Lord na hindi ko na gagawin ang mga bagay na yun pero nagpapatalo ako sa kasalanan. Minsan narerealize ko na lang, bakit ko ginawa yun? Ang sakit sakit kasi paulit ulit na lang akong humingi ng tawad sa Lord dahil sa mga pagkakamali ko. Nakakahiya sa kanya pero gusto kong matanggap pa rin niya ako.

Gusto kong tulungan niya akong mabago. Gusto kong lumalim pa ang relasyon ko sa Lord. Ayokong malayo sa kanya. Ayoko. Mahal na mahal ko ang Lord pero paano ko yun maipapakita kung paulit ulit kong ginagawa ang bagay na yun?

Lord, we repent all my sin. Please accept us. Lord, thank you. Thank you for everything, for the blessings that you are giving to us na kahit hindi namin makita kung anong blessings na ibinigay mo, alam ko pong malaking blessings agad ang ibinibigay mo sa amin kahit hindi kami tumatawag sayo Lord God. God, hipuin mo ang puso ng bawat isa sa amin. Ipakita mo po ang walang hanggang pagmamahal mo Lord God. And Lord, guide us everyday. Help us Lord to be with you always. Lord ikaw lang ang pinakamataas sa lahat. You are the Lord of Lord's and King of Kings. Thank you, Sorry, and Bless us Lord God. In Jesus Name. Amen.

-----*

Ang tinitingnan mo ay ang puwing ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang tahilan sa iyong mga mata.

LUKE 6:41

Madalas na ang nakikita lang natin ay ang pagkakamali ng kapwa natin. Sa sobrang pagsilip natin sa mga yon. Nakakalimutan at hindi natin napapansin na kahit tayo ay nagkakamali din. Kung nagpapahintay ka dapat marunong ka rin maghintay. Para maintindihan ka dapat marunong ka ring umitindi. Anong karapatan mong hingin at idemand sa isang tao ang ikaw mismo hindi mo kayang ibigay? Bago tayo mag judge ng ibang tao dapat sarili muna natin ang binabago natin. You can't fix anyone without fixing yourself first.

------*

Faithfulness

Anuman ang inyong ginagawa, gawin nyo ng magaan sa inyong kalooban na waring hindi sa tao kayo naglilingkod kundi sa Panginoon.

COLOSAS 3:23

Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa bagay na hindi natin nakikita. Maging faithful tayo sa Lord kahit hindi natin sya nakikita. Dahil mas higit pa don, nararamdaman naman natin sya. Sa twing may problema tayo maging faithful tayo na palaging maniwala na hindi Nya tayo iiwan. Maniwala tayo na kung nasaan man tayo ngayon dahi sa Kanya lahat yon. Ialay natin sa Lord lahat ng ginagawa natin, palagi natin dalhin ang pangalan ng Lord saan man tayo magpunta at anuman ang ating gawin.

---*

Strength

Kabi- kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit di kami nalulupig. Kung minsan ay nababagabag kami ngunit di nawawalan ng pag asa. Inuusig kami ngunit di kami pinapabayaan ng Panginoon. Napapabagsak kami ngunit di tuluyan napapatay.

II Corinthians 4:8-9

Gaano man tayo kapagod at kalapit sa pagsuko. Palagi natin tandaan na ang Lord hindi nasuko satin. Araw araw paggising ay blessing satin ng Lord. Lahat ng paghihirap ay worth it. Pero mahirap talaga kung sasarilinin mo lahat. Kaya nga tinatawag ka ng Diyos. Meron nga tao dyan mas malaki pa ang problema satin pero nagpapatuloy. Isama mo ang Lord sa lahat ng laban mo. Makikita mo, wala kang talo.

--*

"Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan? Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin. Pagdating sa bahay, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, 'Makipagsaya kayo sa akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!' Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi."

Luke 15:4-7

Ganito din satin ang Lord. Kahit lagi tayong nawawala, napapalayo sa kanya dahil sa mga pagkakasala natin hinahanap padin nya tayo, iniintay. Walang pakialam ang Lord sa mga kasalanan mo as long as tinalikuran mo na ito at hindi na gagawin ulit. Willing padin ang Lord iwan ng 99 na tupa para sayo na nawawala. Dahil hindi mahalaga ang paglayo, mas mahalaga ang pagbabalik.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now