Sharing 12

362 6 1
                                        

Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone,
the new has come!

2 CORINTHIANS 5:17

Kadalasan tayo kapag may ginawa tayong kasalanan iniisip natin na wala na tayong karapatang humarap sa Lord.  Pero mali yun dahil ang gusto ng Lord ay yung naglalakas loob bumalik at mag surrender sa Kanya sa kabila ng madaming pagkakasala.  Kahit gaano kapa makasalanan noon basta tinanngap mo si Lord ngayon bibigyan ka ng Lord ng bagong puso na kasing puti ng nyebe at busilak.  Hindi nagtatanim ng sama ng loob ang Lord.  Sya ay mapagtawad. Tanggapin mo lang Sya sa buhay mo at hayaan mo Syang manahan sa puso mo.  Kahit pa gaano kaitim ang puso mo kaya Nyang palitan yon.  Kahit ang mamamatay tao ng mga Christian noong una ay nagawa Nyang tagasunod Nya.

---*

Kapag ako at ang aking mga salita ay ikinakahiya ninuman,  ikakahiya din sya ng Anak ng Tao pagparito Nya taglay ang Kanyang karangalan at ang karangalan ng Kanyang Ama at ng mga banal na anghel.

LUCAS 9:26

Ang pagsunod sa Lord ang pinakamagandang ginawa at desisyon natin sa ating buhay.  Be Proud!  Kahit ano pa man ang sabihin ng mga tao. Pag isipan man tayo ng masama at kutyain ng mga tao.  Maging masaya tayo na isa tayo sa mga taong alam sa sarili na hindi perpekto pero ginagawa ang best para magbago.  Wag nating pansinin ang mga taong nang aasar na "Banal kana,  lalampas kana sa langit" o yung mga taong nang aasar satin using prayers and words of God. Just pray for them.  Ang isipin mo ay ang Lord. Hindi ang mga tao.  Ipagmalaki natin ang Lord,  He is worthy of all praise

---*

Comfort
                                                                               
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha sa inyong mga pasanin, at kayo'y aking papagpapahingahin.
Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan.

MATEO 11:28-30

Hindi talaga mauubos ang mga challenges at problema dahil habang nabubuhay tayo kailangan natin mahirapan.   Pero kapag pagod na tayo kanino ba tayo lumalapit?  Bakit may words na "Dasal na lang ang pag asa" bakit pang huli natin iniisip na lapitan ang Lord.  Mali.  Dapat ang una natin lapitan ay ang Lord.  Magpatulong tayo sa Lord. Mahirap talaga kapag wala tayong kasama,  kaya isama natin ang Lord sa lahat ng laban natin.  Wala tayong talo. Wag kang lumaban mag isa.  Kayang kaya yan ng Lord.  Just trust Him.  Kapag kasama natin ang Lord,  lahat ay gagaan dahil tutulungan Nya tayo at hindi tayo iiwanan.

--*

Humility

Si Maria ay nagsilang ng kanyang panganay na lalaking anak at ibinalot sya sa mga pagbigkis na lampin, at inihimlay sya sa isang sabsaban, dahil wala nang silid para sa kanila sa bahay panuluyan.

LUKE  2:7

Ang dakilang Anak ng Diyos at tagapagligtas ay sabsaban pinanganak.  Isang pahiwatig na tayo kahit ano man ang marating. Hangarin mo man ang lahat ang kayamanan sa buong mundo hindi mo makakamit ang tunay ka kaligayahan dahilyun ay puso lang matatagpuan. Ang kayamanan na pagtulong sa kapwa at pagiging magandang halimbawa. Kung anuman ang marating mo, ang Lord ang dapat laging papurihan at hindi angsarili. Without God, you are nothing.

God's Word and LectureWhere stories live. Discover now