PAR AMOUR 
                              Chapter 20 
                              Napatingin siya kay Eunice na mukhang tahimik kaysa sa karaniwan. 
                              Nang tumayo ito para magpunta ng restroom ay sumunod siya rito. Mukha rin kasing namumutla ito at hindi rin ito masyadong kumikibo. 
                              “Eunice, okay ka lang ba?” Tanong niya rito. 
                              “Y-Yes.” Sagot nito at tila nagulat na kasunod siya nito. 
                              “Okay, mukha kasing namumutla ka.” Sabi niya rito. 
                              “Ano kasi, medyo masama nga ang pakiramdam ko, nanlalambot ako dahil siguro gutom na talaga ako kanina, pero okay lang talaga ako.” 
                              “Gusto mong umuwi na muna?” 
                              “Okay lang talaga ako. Uuwi rin naman ako pagkatapos nating kumain.” Sagot nito sa kanya at ngumiti ito sa kanya. Tumango naman siya at ibinalik ang ngiti nito. 
                              Nang matapos silang kumain ay iniwanan na siya ng magkakapatid sa hotel. Iniimbitahan din siya ng mga ito sa bahay pero umawat si Eli. Ito raw muna ang kakausap sa mga magulang nito dahil baka kung ano ang sabihin ng mga ito sa kanya. 
                              Tiwala naman siyang hindi siya pababayaan ni Eli. Nawala na rin ang pagaalala niya kay Eunice dahil nang matapos silang kumain ay hindi na ito namumutla. 
                              - 
                              Gusto niyang kiligin nang makita niya si Eli na nakatayo sa labas ng hotel pagsapit ng hapon. Nakangiti ito sa kanya. Sinalubong siya nito at agad na ipinaikot ang braso sa balikat niya. 
                              “Miss me?” Tanong nito at hinalikan siya sa sintido. 
                              “I did. I missed you all afternoon.” Sagot niya rito. 
                              “That’s good. I missed you too. Now, let’s have your barbeque.” 
                              “You remember, I’m glad and excited! Gusto ko talaga ng barbeque kahapon pa.” 
                              Napangiti siya nang sa kabilang bayan pa rin siya dalhin ni Eli para sa dinner nila. Tinanong niya ito kung nagtatago pa rin ba sila pero ang sabi lang nito ay wala raw kasi itong makitang barbeque sa San Lorenzo. 
                              Habang kumakain sila ay nakasiksik ito sa leeg niya. 
                              “Eli, kumakain ako. Mamaya ka na maggaganyan.” Saway niya rito. 
                              “Hmm? But I love kissing you.”  
                              “Pero kumain muna tayo.” 
                              “Alright.” 
                              Hinalikan ulit siya nito sa pisngi bago ito nagsimulang kumain. 
                              “I’ll kiss you too later bilang reward mo sa pag treat mo sa akin ng barbeque. Nag effort ka pa talagang dalhin ako rito sa Poblacion para lang sa barbeque.” 
                              “You’re welcome.” Sagot nito at kinindatan siya. Hindi naman niya mapigilang matawa rito dahil hindi niya inaasahan na may ganitong side pala si Eli. Madalas kasi ay seryoso lamang ito. 
                              Nang matapos silang kumain ay inihatid na rin siya nito pauwi. 
                              “Kailangan ko bang iwang bukas ang pinto?” Tanong nito sa kanya at napangiti siya. 
                              “Not tonight. May bisita bukas si Third sa hotel kaya kailangang handa rin ako.” Sagot niya rito. 
                              “Okay. Pero kung magbabago ang isip mo ay magsabi ka lang.” Sabi nito sa kanya at napailing na lang siya. 
                              “I’ll see you tomorrow and thank you sa dinner.” 
                              “You’re welcome.” 
                              Mabilis nitong tinawid ang pagitan nila bago siya hinayaang makababa ng sasakyan. 
                                      
                                  
                                              YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
