Chapter 9

9.5K 634 120
                                        

PAR AMOUR

Chapter 9

Gusto niyang kagalitan ang sarili kung bakit hinayaan niyang madala siya kay Eli. Hindi nito solo ang kasalanan dahil kung iisipin niya ang nangyari ay malaki rin ang pagkakasala niya. She was straddling him.

And what she said to him. Nagpapadyak siya habang ni-r-recall iyon.

“Let’s forget about what happened in your car. Now that my head is clear I am certain that I didn’t like it and I’m regretting it.”

Sino bang niloko niya? She’s not so sure about the regretting part but of course she liked it. It was Eli! She shared something hot and sexy with Eli at sigurado siya na sa kanilang dalawa ay siya ang hindi makakalimot sa nangyari.

Niyakap niya ang sarili. She could still feel his touch and his mouth on her skin. Maging ang labi niya ay tila namamaga sa tindi ng halik na pinagsaluhan nila. Their second kiss, it reminds her of their moment way back in high school.

Eli.

“Urgh!” She grunted. Ano bang dapat niyang gawin kay Eli?

Kinuha niya ang wallet at lumabas ng apartment. Malabong makatulog siya lalo na at hindi mawala sa isip niya ang pinagsaluhan nilang dalawa ni Eli.

-

“Savannah!” Napaangat siya ng tingin sa tumawag sa kanya. Si Shane iyon na bagong pasok saa loob ng café ni Raven. Ngumiti siya rito pero agad ding naglaho ang ngiti niya nang sa likod nito ay nakita niya sa likod nito si Eli. Sa tabi nito ay naroon si Levi at si Noah, may kasama rin ang mga itong isa pang lalaki na sa pagkakaalam niya ay kaibigan din ng kapatid niya. Si Marcus iyon.

“Hi Van.” Sabi ni Levi sa kanya.

“Wala kang kasama?” Tanong ni Shane sa kanya.

“Wala, kung hinahanap mo si Sylvia ay wala siya. Nakauwi na.” Sabi niya at ngumisi si Shane.

“Alam ko naman ‘yon.” Sabi ni Shane at kinindatan siya nito. Napansin niyang lumabas si Eli ng café at kasunod nito si Noah at si Marcus. Nang pasimple siyang tumingin sa labas ay nakatalikod sa kanya si Eli.

Ramdam niya ang pagkalat ng init sa mukha niya dahil naalala na naman niya ang mga sandali nila sa sasakyan nito ilang oras pa lamang ang nakakalipas.

“Gusto mo ng muffins? Ililibre na kita.” Sabi ni Levi sa kanya at akma itong pupunta sa counter.

“H’wag na, okay lang dahil naka order na naman ako.” Sagot niya at tipid na ngumiti rito.

“Saan kayo pupunta?” Tanong niya kay Shane at kay Levi.

“Ah, sa steakhouse lang kami. Gusto mong sumama?” Tanong sa kanya ni Levi.

“Huh? Hindi na, mukhang makakaabala pa ako sa night out niyo, enjoy na lang kayo.” Sabi niya.

“Hindi ka naman makakaabala, kakain lang naman kami at iinom ng dalawang bote ng beer, mag b-bilyar o darts tapos uuwi na.” Sabi ni Levi sa kanya at pumasok sa isip niya ang hitsura ni Eli na nag b-bilyar. Hinagip niya ang order na iced americano at uminom.

“Hindi na talaga, kayo na lang. Uuwi na rin kasi ako.” Sagot niya.

“Sige, ikaw ang bahala.” Si Levi pa rin.

“Mag order ka na muna ng kape, brad.” Sabi ni Shane rito at sumunod naman si Levi.

“Gusto mo ihatid ka na namin?” Tanong ni Shane sa kanya.

“D’yan lang ako nakatira.” Sagot niya rito.

“Eli won’t mind.” Sabi nito at may ngiting naglalaro sa labi nito. Kumunot ang noo niya rito.

PARAMOURWhere stories live. Discover now