PAR AMOUR
Chapter 7
Pagmulat niya ay hindi na niya alam kung nasaan siya. Nang tumingin sjya sa paligid ay gumagalaw iyon. Umaandar. Sasakyan. Nasa byahe siya. Nakasandal siya sa kung sino man ang driver.
Nang tunghayin niya kung sino ang nagmamaneho ay napasinghap siya.
“Eli?” Mahinang tawag niya rito.
“Good morning, sleeping beauty.” Sagot nito at ngumisi ito sa kanya. Napatuwid siya ng upo dahil dito.
“Bakit ako narito? S’an mo ako dadalhin?” Tanong niya rito.
“Relax. Ihahatid lang kita pauwi.” Sabi nito at hindi pa rin naalis ang ngiti nito. Nag iwas naman siya ng tingin dahil baka mas malasing pa siya sa ngiti nito.
“Nasaan si Sylvia?” Tanong niya rito.
“Naiwan sila sa parang para mag linis.”
“What?” Tanong niya at bumaling dito. “Bumalik tayo, kailangan kong tumulong.”
“Patapos na sila r’on kaya ihahatid na kita.” Sagot lang nito.
“Pero …”
“Halos tatlong oras kang nakatulog.” Putol nito sa sasabihin niya. Agad siyang tumingin sa relo niya at napamaang nang makitang ala una na ng umaga.
Alas dies ang tapos ng program.
Napabuntong hininga siya at tumingin sa labas. Malapit na siya sa bahay niya at katabi niya ngayon si Eli sa loob ng sasakyan nito.
“Thank you.” Bulong niya.
“You’re welcome.” Sagot naman nito. Nang tingnan niya ito ay seryoso itong nakatutok sa daan. Wala na ang ngiti nito.
Nang itigil nito ang sasakyan sa tapat ng tinutuluyan niya ay agad itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto at inalalayan siya pababa.
Iniiwas niya ang tingin sa kamay nitong nakahawak sa siko niya.
“Thanks.”
“Kaya mo na ba? Hindi ka na ba nahihilo?” Nag ha-hallucinate ba siya o narinig niya ang pag aalala sa boses nito? Idagdag pa ang balat nito sa balat niya.
“Yes, kaya ko na.” Sagot niya at tumayo siya ng tuwid. Pinilit niya patatagin ang binti niya. Mukhang hindi alak ang dahilan ng panlalambot niya. Marahan niyang inalis ang siko mula sa pagkakahawak nito.
“Sigurado ka ba?” Tanong ulit nito habang nananatiling nakayuko sa kanya.
“Oo, thank you. Good night.” Sagot niya at lumakad na papasok ng bahay. Gusto niyang magpasalamat dahil hindi siya binigo ng mga binti niya at nakalakad siya ng tuwid.
-
Maaga siyang pumasok sa opisina dahil hindi na rin naman siya makatulog ng maayos. Pagising gising siya at hindi niya maintindihan kung ano ang dahilan. Naiinitan siya na ewan ba niya kaya mas minabuti na lamang niyang magtrabaho.
Ngayong tapos na ang fundraising event nila ay kailangan naman nilang pagtuunan ng pansin ang ilang mga events na naka book sa kanila.
Binuksan niya ang laptop at tiningnan ang ang notebook para i-check muli ang mga schedule nila.
Sa susunod na dalawang linggo ay dalawa rin ang event nila. Isang debut at ang birthday party ng Congressman nila na taga kabilang bayan. Kaibigan iyon ni Shane kaya’t sila ang nakuha. Nagpapasalamat din sila rito dahil nagkakaroon sila ng kliyente dahil dito.
YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
