PAR AMOUR
Chapter 2
Nahilot niya ang sintido habang nagmamaneho pauwi ng San Lorenzo. Katanghalian at walang tigil ang tawag sa kanya ng mga nakababatang kapatid niyang sina Levi at Eunice. Parang may usapan ang dalawang mag salitan sa pangungulit sa kanya pag uwi.
Pareho lamang naman ang sinasabi ng dalawa. Ang umuwi na siya. Uuwi naman talaga siya, dahil hindi naman siya kasing sama ng iniisip ng ibang tao. Pinahahalagahan pa rin niya ang pamilya niya maski pa ba palagi niyang nakakatalo ang ama.
Labin dalawang taon na siyang hindi umuuwi dahil palagi lamang silang nag aaway ng ama nila. Sa telepono pa lamang ay wala siyang maalaala na nagtapos iyon sa magandang usapan. Palaging nagwawakas iyon na mainit ang ulo nilang pareho kaya mas minabuti niyang panatilihin ang distansya rito. Besides, there’s nothing for him at San Lorenzo.
Muling nag ring ang cellphone niya. Si Levi iyon at napabuntong hininga siya. Noong nakaraang linggo lang sila huling nagkita.
“Ano na naman?” Tanong niya rito.
“Nasaan ka na? Hindi nagsasalita si Papa pero alam kong excited na siyang makita ka.” Sabi nito. Alam niyang natatawa ito.
“How is he?” Tanong niya.
“Ayos na naman siya, gustung gusto ng lumabas kaso under observation pa.” Sabi ni Levi at nakahinga siya ng maluwag.
Sa totoo lang ay natakot silang magkakapatid nang tumawag ang Mama nila para ibalita ang kalagayan ng tatay nila. Kinabahan silang baka na stroke na ito pero salamat dahil hindi naman. Nagbabad daw kasi ito sa init ayon sa mga nag tatrabaho sa construction.
“Good to hear. Nasa Poblacion na ako at sa ospital na ako dideretso.”
“Okay, good. Sasalubungin kita sa lobby ng ospital.” Sabi nito at naputol na ang tawag.
-
Mas marami na ang negosyo sa San Lorenzo kaysa noong high school siya. Pero katulad ng dati ay hindi pa rin nagpapapasok ng malls at fast food chains ang bayan nila. Nananatili pa ring sarado sa mga negosyanteng taga labas ang bayan nila.
Nakita niya ang bake shop na favourite nilang magkakapatid. Parang gusto niyang pumunta roon at bumili ng chocolate cake roon tapos ay sasabayan niya ng kape iyon.
Hindi niya itatangging uminit ang dibdib niya sa pagpasok niya sa munting bayan nila.
Sabi nga nila, “There’s no place like home.” This is home. San Lorenzo is his home. Bumuntong hininga siya at ipinilig ang ulo. Wala siyang plano na magtagal doon. Hihintayin lamang niyang makabawi ng lakas ang ama at aalis din siyang muli. Ito nga siguro ang tahanan niya pero wala rito ang buhay niya. Nothing for him in their old little town.
Dumeretso na siya sa ospital. Sa lobby ay naroon nga ang kapatid niyang si Levi.
“Eli!” Tawag nito sa kanya at agad siyang inakbayan. “Tara na, hinihintay ka nila.”
Tumango siya rito at lumakad sa direksyong pinatutunguhan din nito.
-
YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
