PAR AMOUR
Chapter 14
She did it. Parang hindi na niya kilala ang sarili. Habang nakatingin siya sa salamin ay hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang iniaakto niya pagdating kay Eli? Parang siya ang lalaki kung iisipin niya. Pinapasok niya ito sa bahay sa gabi tapos ay iiwanan sa umaga. Tapos ngayon namang narito ito sa bahay niya ay pinaalis niya.
Tumitig siya kay Eli habang natutulog ito sa tabi niya. Aalis din ito at malapit na iyon. Sigurado siyang hindi naman babalik para sa kanya ang lalaki. Lalong hindi ito mananatili para sa kanya. May mga plano ito sa buhay at hindi siya kasali roon. Kung sabagay ay ganoon din naman siya.
Huminga siya ng malalim bago bumangon. Kumuha siya ng ballpen at nagsulat ng ng note sa notepad para rito bago siya nagpasyang pumasok na sa trabaho.
-
“May kakaiba talaga sa’yo. Di ko masabi kung ano.” Sabi ni Sylvia sa kanya.
“Huh?” Patay malisyang sagot niya sa kaibigan.
“Diba, Liza? May kakaiba kay Vannah.” Uli nito at kinuha pa ang opiniyon ng isa pa nilang kasama.
“Blooming si Miss Vannah.” Sagot nito at parang kinikilig pa.
“May manliligaw ka? Papaano si Eli?” Kasunod na tanong ni Sylvia at agad siyang umiling. Ayaw niyang pag usapan ang lalaki.
“Wala. Sabi ko sa’yo may bago lang akong toner.” Sabi niya rito at tumutok sa notebook niya. Ramdam naman niyang nakatitig sa kanya si Sylvia at alam niyang pinaniningkitan siya nito ng mata.
-
Bandang tanghali nang mag ring ang cellphone niya at palagay niya ay si Eli ang tumatawag. Gusto niyang matawa dahil nagagalit ito sa tuwing iniiwan niya ito sa umaga. Kasalanan nito, tanghali itong gumising at karaniwan ay ganitong oras pa lang si Eli nagigising.
Sumulyap siya kay Sylvia at nang mapansing abala ito sa ginagawa ay inabot niya ang cellphone at agad na napasimangot nang hindi pangalan ni Eli ang naka register sa screen. Ang kapatid niya iyon.
“Hey Sav.” Bati ni Third sa kanya.
“Hello Third. Anong meron?” Tanong niya rito.
“Yeah, I need your help.” Seryosong sabi ni Third.
“What? May nangyari ba?” Tanong niya at tumayo siya. Napatingin sa kanya si Sylvia at waring nagtatanong kung anong nangyari. Nagkibit balikat lang siya at kinausap na muna si Third.
“Nothing serious pero nag resign ang isa sa mga managers ng hotel. I have no time to hire someone else. Could you take over for a while?”
“Bakit nag resign? Tsaka bakit immediate?”
“She eloped with her husband to be.”
“Oh.”
“Yeah, so pwede ka ba? I have no one in mind na pwede kong pagkatiwalaan.”
“I’ll talk to Sylvia.”
“Sige. For the mean time lang naman tsaka don’t worry naghahanap na sila ng kapalit na manager.” Sabi ni Third sa kanya at napabuntong hininga siya. Hindi pa man niya nakakausap si Sylvia ay decided na siyang tulungan si Third.
“Okay. I’ll call you later. Mag uusap lang kami ni Sylvia.”
“Thanks Sis, I owe you.” Sabi nito at pinutol na ang tawag.
Muli siyang napabuntong hininga at ibinaba na ang cellphone sa table niya.
“Anong nangyari?” Tanong ni Sylvia sa kanya.
YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
