Chapter 13

9.5K 442 46
                                        

PAR AMOUR

Chapter 13

Para matanggal ang init ng ulo niya ay dumaan siya saa cake shop na binibilihan nila ng chocolate cake noong bata pa siya. Dinala niya iyon sa bahay nila para kasalo niya ang Mama niya sa pagkain. Naghahanda ito ng kape para sa kanila nang dumating si Levi. Hindi naman sumalo sa kanila ang Papa nila at nagkibit balikat na lamang siya.

“Hi Eli, di ko inaasahan na narito ka.” Si Levi iyon.

“Kakain kami ng cake ni Ma.” Sagot niyansa kapatid at naupo si Levi sa tabi niya.

“Pahingi ako.” Sabi nito at kusang nag hilis ang kapatid niya at naglagay sa pinggan. “Ma, nasaan si Eunice?” Tanong nito.

“May klase pa. Mamayang alas sinco ay narito na rin ‘yon.” Sabi ng Mama nila.

“Teka, speaking of that brat. Nakita kong umiiyak iyon noong nakaraan sa sidewalk. Kasama niya si Savannah at may kasama rin silang lalaki.” Sabi niya.

“Naku, baka iyan ‘yung may magulang na pinagbintangan siyang namalo ng estudyante niya.” Sabi ng Mama nila.

“Anong nangyari?” Tanong niya.

“Nag away ang dalawa sa mga estudyante niya at sinaway niyang pareho. Ang akala noong parent ay namalo ng bata ang kapatid niyo.”

“Damn, delikado pa naman sa mga school yan ngayon. Natatanggalan na ng lisensya. Okay na ba si Brat, ‘Ma?” Tanong ni Levi.

“Okay na naman, umiiyak din pagdating dito sa bahay sa takot ngang mawalan siya ng lisensya sa di naman niya ginawa.”

“Good. Akala ko may boyfriend na si Brat.”  Sagot niya.

“Huwag niyo ngang tawaging brat ang kapatid niyo.” Saway nito sa kanila at pareho lang silang ngumisi ni Levi.

“Nga pala, may plano sina Third sa lupa ni Marcus. Baka interesado kang bumili ng lupa.” Sabi niya sa kapatid.

“Magkano per square meter?”

“Seven fifty.”

“Pwede na. Parang gusto ko ‘yon. Ikaw ba?”

“Depende, pinag iisipan ko pa. Hanggang next month na lang naman ako rito.”

“Anak, umuwi ka naman. Hindi iyong ako pa ang pumupunta sa’yo sa siyudad.” Sabi ng Mama nila.

“Nag aaway lang kami ni Papa. Alam niyo bang pinag aasawa naman niya ako ngayon?” Naiiling na sabi niya.

“Damn, kapag di ka nag asawa at kapag di ka umuwi ay ako naman ang pipilitin na pag aasawahin n’on. Mag asawa ka na nga Eli.”

“Gago.”

“Ako na ang kakausap sa Papa niyo tungkol d’yan. Pero wala namang masama kung mag aasawa na kayo. Gusto na rin naman namin ng mga apo dahil naiinip na kaming dalawa rito sa bahay.” Ang Mama nila at napataas ang kilay niya.

“Wala na, pati si Mama pag aasawahin na tayo.” Sabi ni Levi at dalawa na sila ngayon na mukhang mamomroblema sa pag aasawa.

-

Alas nueve na ng gabi ng umalis sila ni Levi bahay at dumeretso silang pareho ng steakhouse. Naroon sila Marcus at pinag uusapan nila ang property na gustong itayo ng mga ito.

“Eli, ikaw kaya ang kuhanin kong contractor?” Si Third iyon.

“Brad, that’s a lot of money. Tanggapin mo na.” Sabi ni Marcus at tinapik ang balikat niya.

PARAMOURWhere stories live. Discover now