Chapter 16

9.4K 424 61
                                        

PAR AMOUR

Chapter 16

“Hey babe, sasama muna ako kila Levi sa steakhouse then dederetso ako sa bahay mo. Okay lang ba?”

Gusto niyang kiligin sa message ni Eli sa kanya.  Nagpapaalam ito sa kanya. Para silang magkatipan na dalawa.

Nang nagdaang araw ay iwinaksi na niya ang anumang pag aalinlangan. Hindi pa sila nag uusap ni Eli tungkol sa kung ano ang meron sila pero wala naman siyang demands diro. Bahala na, they’re both adults at saka na siya mag iisip, kakayanin niya kapag natapos na ang lahat ng ito. Pero sa ngayon ay i-eenjoy na lamang niyang magkasama sila ni Eli.

Sinabi na rin naman nitong gusto siya nito. Sapat na iyon sa kanya. Wala na siya hihilingin pa rito dahil alam niya kung hanggang saan lamang sila. Idagdag pang hindi naman siya buntis katulad ng inakala nila ni Eli. Malaya ito pagkatapos ng dalawang buwan, wala itong kahit na anong pananagutan sa kanya.

Nag type siya ng reply rito.

Of course. I’ll see you later and drive safely.”

“Thanks, babe.”

Ibinaba niya ang cellphone at pumasok sa loob ng banyo para maligo.

-

Pasado alas dies ng gabi nang marinig niyang may kumatok sa pinto niya. Nang buksan niya iyon ay si Eli ang nakatayo roon at may dala itong isang kahon. Itinaas nito iyon sa kanya.

"Muffins?" Tanong nito sa kanya. Ngumiti siya at tumango saka nilakihan ang bukas ng pinto upang papasukin ito.

"Nag paalam ka na kay Third para sa bakasyon natin?" Tanong nito.

"Hindi pa dahil hindi ko siya nakita kanina sa hotel at busy raw siya nang tawagan ko siya. We'll talk tomorrow, he'll have time for me around noon."

"He's always busy, huh?"

"Yes. he's hard to pin down."

Ngumisi lang si Eli at naupo ito sa sofa. Sumunod naman siya rito at naupo sa tabi nito pero mukhang hindi iyon gusto ni Eli dahil pinatayo siya nito.

"Why? What's wrong?" Tanong niya rito habang nakakunot ang noo niya.

"Sit on my lap." Utos nito sa kanya at napangiti na lang siya sa gusto nito. Sumunod siya sa utos at naupo sa kandungan nito.

“Your brother is eyeing me the whole night kaya sumabay na ako kay Levi nang magpaalam siyang umalis.” Kwento nito habang ang kamay nito ay nakapatong sa hita niya at humahaplos doon. She didn’t even bother to put on something to cover her legs dahil alam niyang aalisin din lamang iyon ni Eli. Her panties were enough cover isa pa ay naka dress shirt siya na umaabot sa kalahati ng hita niya ang haba.

“Wala akong sinasabi sa kanya tungkol sa atin.”

“Same, pero baka nakakahalata siya.”

“We never appeared before him together.” Sagot niya at nag isip. Sigurado naman siyang walang alam ang kapatid niya pero baka nga nangdududa lang din ito.

“He doesn’t approve of me.” Sambit ni Eli at hinalikan ang gilid ng leeg niya.

“What? He always tease me about you.”

“Really? Masama ang tingin niya sa akin palagi. He might be teasing you pero ayaw niya talaga sa akin.” Sabi pa nito at patuloy ang paghalik nito sa leeg niya gayun din ang paghaplos nito sa hita niya at nahihirapan siyang mag concentrate sa ginagawa nito sa kanya.

“I don’t know … does it bother you? My brother’s approval?” Tanong niya. Umayos siya ng upo sa kandungan nito at naramdaman niya ang arousal nito.

PARAMOURWhere stories live. Discover now