PAR AMOUR
Chapter 4
Naningkit ang nga mata niya nang makita niya si Savannah na pauwi sa bahay nito.
Sabi niya may plano siya.
Mukhang hindi iyon ang kaso. Mukhang ayaw lang nitong sumama sa kanya.
Kumukupas na yata siya.
Geez, treinta pa lang ako.
Tinawagan niya si Levi at niyaya niya ito sa steakhouse. Nag usap naman sila na doon na lamang magkikita.
Pagdating niya ay naroon na ang kapatid niya at may kasama itong tatlong lalaki sa lamesa na nakatalikod sa bahagi niya..
“Eli!” Tawag sa kanya ni Levi. Itinaas nito ang kamay at pinayapayan siya. Lumakad naman siya papunta rito at tatlong pares ng mga mata ang tumutok sa kanya. Si Marcus ang isa. Nakilala na niya ito nang nagdaang gabi. Hindi niya kilala ang katabi nito pero isa pang katabi ng mga ito ay si Cornelius Miranda III.
“Eli, it’s been a while.” Sabi nito sa kanya at tumayo para kamayan siya. Tumango siya rito.
“Eli, si Marcus.” Pakilala ni Levi rito.
“We met yesterday.” Sabi ni Marcus at itinaas ang bote ng beer nito sa direksyon niya.
“Nice. Then this guy is Noah.” Tumayo ito at nakipagkamay din siya rito. “Noah, kapatid ko pala. Si Eli.” Katulad niya ay tumango rin sa kanya ang lalaki.
Naupo siya sa tabi ng kapatid niya at nag uusap ang mga ito ng tungkol sa trabaho at sa paparating na event kung saan kasali sila.
Nag order siya ng beer at malaki ang ngiti sa kanya ng waitress na nag serve sa kanya ng beer. Tinanguan naman niya ang babae at tipid siyang ngumiti rito.
“Palagay ko ay alam ko na kung bakit kumuha ka ng apartment kaysa ang umuwi sa bahay.” Bulong ni Levi sa kanya at umiling lang siya at ininom ang laman ng bote niya.
Habang naroon sila sa steakhouse ay hindi nakaligtas sa kanya ang tingin ni Third sa kanya.
“You okay, man?” Tanong niya rito.
“Yes. Just curious what the hell happened to you?” Sabi nito sa kanya.
“Naging abala lang.” Sagot niya rito.
Pare-pareho silang hindi uminom ng ikalawang bote ng beer dahil lahat sila ay magmamaneho pa. Nang makalipas ang ilang oras ay nagpasya na rin naman silang umuwi.
Naunang umalis sa kanilang lima si Marcus at kasunod nito si Third. Habang sabay sabay na naman silang umalis nila Noah at Levi aa steakhouse.
“Ibang tingin sa’yo ni Third ah.” Sambit ni Levi nang pareho na silang nasa parking lot ng steakhouse. Nang hindi siya nagkomento sa sinabi nito ay nagpatuloy ito. “Baka iniisip niya ang tungkol sa tsismis sa inyo noon ni Vannah.”
Napakunot siya sa sinabi nito.
“Tsismis?” Tanong niya rito.
“Oo, diba naging kayo ni Vannah dati? Tapos magdamag kayong magkasama bago ka umalis para sa university?”
“What?”
“Bakit? Sa’yo nanggaling ‘yon diba? Ikaw nagsabi.” Sabi nito at nahilot niya ang batok niya. Nasabi nga pala iyon sa ilang kaibigan niya noon. Blame the alcohol. Pero ang totoo ay masyado siyang naging masaya sa kaalamang siya ang first kiss ni Savannah. Itinulak lang talaga siya ng mga nainom niyang alak nang hindi sinasadyang masabi niya ang tungkol doon.
YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
