PAR AMOUR
Chapter 5
Wala siyang imik hanggang sa makalabas na si Eli ng opisina nila. Hindi niya ito tiningnan dahil alam niyang nakatutok ang mga mata nito sa kanya.
Hindi niya maintindihan kung bakit ba ang kulit nito sa kanya at kung bakit siya ang kinukulit nito. Teka, sigurado ba siyang siya lang nga ang kinukulit nito? Wala sa loob na napabuntong hininga siya sa kaisipang iyon.
“Okay, simulan mo nang mag kwento. Alam kong may nangyari habang wala ako. Pulang pula ang mukha mo at nagbubuntong hininga ka habang bigla namang umalis si Eli.” Sabi ni Sylvia sa kanya.
“Walang nangyari.” Sagot niya at kumagat sa dala nitong muffins.
“Liar. Start talking.” Sabi sa kanya ni Sylvia at napasimangot siya. “Kilala kita, mas mabuti pang umamin ka na ngayon.”
“He asked me out again.” Mahinang sabi niya. Parang hanggang sa mga sandaling iyon ay nararamdaman pa niya ang presensya ni Eli. Napaka lapit nito sa kanya kanina at kinikilabutan pa rin siya. He smelled so manly. Naghahalong pawis at cologne nito na nagdadala ng kakaibang sensasyon sa kanya.
Pigil pigil niya ang sariling haplusin ang pisngi nitong alam niyang magaspang dahil sa tumutubong balbas.
“Please tell me you accepted.” Sabi ni Sylvia.
“Busy ako, busy tayo.” Sagot niya at pinandilatan siya ni Sylvia.
“You mean tinanggihan mo na naman siya?!”
Bakas ang frustration sa mukha ng kaibigan niya.
“Busy naman kasi talaga tayo.”
“Gaano ba kayo katagal mag d-dinner? Ilang oras lang naman or siguro mga overnight.” Sabi nito. “Babalik na naman ba tayo sa twelve years ago?” Tanong nito at umiling siya.
“I, I mean ewan ko.” Sabi niya at yumuko siya.
“Teka, lilinawin ko lang at kalimutan muna natin ang lahat. Gusto mo bang mag dinner kayo?” Tanong nito sa kanya at nag iwas siya ng tingin.
Hindi rin siya sigurado kung gusto niya nga bang mag dinner sila. Pero gusto niya ang ideya na kasama ito at malapit sila sa isa’t isa.
“Okay, gusto mong mag dinner kayo.”
“Wala akong sinabi.”
“Wala kang sinabi pero kita ko sa expression ng mukha mo na gusto mo.”
Hindi siya sumagot at kumagat lamang muli sa muffin na hawak niya.
“Next time h’wag ka ng tumanggi please lang.” Sabi pa nito sa kanya at nanatili pa rin siyang walang imik.
-
Nasa kaparangan sila para i-set na ang mga lamesa at ang mga upuan. Bukas na gaganapin ang event at successful iyon kung pag babasehan ang tickets na naibenta nila. Sold out iyon dahil ang ilang mga taga kalapit na bayan ay bumili rin at nakiisa sa event nila.
Nakita niya ulit doon si Eli at mabilis siyang umiwas sa direksyon nito. Tatawagin sana niya si Sylvia pero kausap nito si Shane.
YOU ARE READING
PARAMOUR
RomancePUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to something, especially when you are living in a small town where everybody wants to play cupid.
