A/n: 10 chaps to go before this story ends. Huhu is it happy ending? Or a lonely one. Ano kayang magiging ending ng pagibig nila taeyong at jewel. Owkay, magbasa na lang kayo. Tinatamad na ko. Hakhak.
"Baby wake up. We have to go." Mabilis naman akong bumangon at inayos yung kumot ko at mga unan na pinangharang namin ni taeyong sa gitna ng kama. Nauna na siyang bumaba at ako naman ay naligo. Tinignan ko muna sa salamin yung mukha ko. Medyo bagay naman pala sakin yung blonde na buhok eh. Hehe.
Kinuha ko yung long sleeve na checkered at yung partner nito na sumbrero tapos kinuha ko yung jeans ko na black. Nagsuklay lang ako at dinala ko na din yung backpack ko pababa. Susunduin kase kami ngayon nung mamahaling sasakyan nila papunta sa event.Medyo nakaramdam ako ng kaba pagsakay ko dun sa sasakyan. Syempre, halos lahat ng kpop groups ay nandoon. Blackpink, exo, bts, twice, got 7, bigbang at marami pa. "Baby. Okay ka lang? You look like hindi. Tinalo mo pa kase ako eh. Mukhang ikaw pa ang kinakabahan."
Napakagat ako ng labi. Ayoko talagang maghinala pero parang ayoko silang papuntahin doon. Pakiramdam ko kase may mangyayaring something. Saka first time ko tong dadalo sa mga ganun. Kasama ko pa ang nct ngayon.
"andito na tayo!!!" Nagulat naman ako sa sigaw ni doyoung. Sumilip ako sa may bintana. Andaming tao! Tapos may red carpet pa sa tapat nang sasakyan namin! ♡-♡
"Ang ganda." Mangha kong sabi. Andami talagang tao! Mas lalo tuloy akong kinakabahan. "Bye jewel. Hintayin ka na lang namin mamaya sa dreesing room ah?" Sabi ni johnny.
"S-sige." Bumaba na sila isa-isa. Lahat naman ng tao doon ay napalingon sa kanila. "Baby don't worry. Balang araw; makakapaglakad ka din sa ganito kasama ako." Nakangiting sabi ni taeyong bago bumaba.
"Kahit wag na. Makapaglakad lang ako na kasabay kita okay na eh." Biro ko. Namula naman siya. "Oy namumula ka." Ngumiti lang siya at bumaba na ng kotse. Buti na lang at may harang yung backseat dito sa driver nila. Baka kase makita nung driver eh hahaaha.
Naglakad na yung nct sa red carpet. Sobrang daming camera ang nakatutok sa kanila. Ang huli ko na lang nakita ay kinakausap na sila nung babae dun sa dulo kung saan sila nakatayo.
Pagkahinto nang sasakyan ay bumaba na kaagad ako at pumunta sa loob. Pagpasok ko eh sobrang dami din ng tao ang nandoon. Halo-halo. May mga assistants ng bts, exo, at marami pa. Yung iba naman, ang tutulis ng tingin sakin. Problema nila?
Hinanap ko naman kaagad yung dressing room ng nct. Pagpasok ko ay nadatnan ko doon si ms. Ayah. "Jewel! Nice hair! I love it! Lalo kang gumanda!" Bungad niya ng makita akong pumasok sa loob.
"Ay thank you po ms. Ayah. Kamusta na din po pala kayo?" Kinuha niya naman yung backpack ko at nilapag ito sa mesa. "Okay naman. Ang tagal din nating hindi nagkita! Nako! Namiss kita." Niyakap pa niya ko.
"Ako din po." Sabi ko. Pero deep inside talaga ay kinakabahan ako. "Sino namang nag-influence sayo na magpakulay? Ang nct ba?"
"Hindi po. Trip ko lang din po ito." Tumayo siya at naglakad palapit sa bag niya. "Alam mo, excited ako ngayon para sa kanila. First kmf kase ito na naimbitahan sila. Sa sobrang dami ba naman ng groups diba?"
"Opo."
"Kumain ka na ba?" Inabot niya sakin yung isang sandwich. Palagi talaga akong inaalala ni ms. Ayah. sana kapag nalaman niya yung tungkol samin ni taeyong, hindi siya magbago. Hindi magbago yung tingin niya sakin.
"Mukha ngang hindi." Medyo natawa ng kaunti si ms. Ayah. "Hindi pa nga po eh." Kinain ko naman yung sandwich. Ang sarap ng palaman. Parang gusto ko pa tuloy humingi.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain sa sandwich ng may kumatok. Kaagad akong tumayo at binuksan ito. Baka kase sila taeyong na. "Jewel. Pakikuha naman dun sa sasakyan niyo yung necktie ni sir taeyong. Naiwan niya pala. Saka dun din sa compartment ng sasakyan. Andun yung ibang mga damit pa nila. Sabay mo na din." Utos ni ms. Ana, isa sa mga staff nila.
"Nako sige po." Sinara ko na yung pinto. "Ms. Ayah alis po muna pala ako. May ipinapakuha po si ms. Ana sa sasakyan eh."
"Ay sige. Kunin mo na din itong isa pang sandwich para habang naglalakad ka eh may makain ka."
"Salamat po." Pagkatapos ay lumabas na ko at pumunta sa parking lot. doon ako dumaan sa may bandang backstage dahil mas malapit doon. Okay lang naman kase isa naman ako sa mga assistant nila. Bawal kase pumunta dito ang hindi kasama ng group or wala namang papel na gagawin sa event.
Naglalakad ako ng masalubong ko ang grupo ng blankpink. Ang tangkad ni rose. Tapos ang ganda ni lisa. Napansin nila ako tapos nginitian ako. Ngumiti din naman ako pabalik. Sila ang pinakasikat na girl group ngayon sa korea. Hindi na bago sakin kase maganda talaga sila at wala akong binatbat.
Rinig na rinig ko ang mga sigawan mula sa backstage nang pumasok na sa loob sila lisa. Binilisan ko naman ang paglalakad kasabay ng pagkagat ko sa sandwich. Nang makarating ako sa parking lot ay hinanap ko kaagad yung necktie ni taeyong. Sa dami naman kase ng iiwan niya, yun pang necktie. Kinalkal ko yung buong upuan at nakita ko ito sa may ilalim ng upuan.
Pagkatapos ay pinabuksan ko sa driver yung compartment nito at kinuha ko yung mga damit. Ang dami pala nito. Hindi na naman nila sinabi sa akin. Wawa na naman tuloy ako huhu.
Dahan- dahan ko itong dinala. Nahirapan ako magbitbit dahil dala-dala ko pa yung sandwich na ibinigay skain ni ms. Ayah. Bumalik ulit ako sa compartment at ipinatong ito doon. Mabilisan ko namang kinain yung sandwich. Baka kase madumihan yung damit nila kapag binitbit ko pa yung sandwich pabalik sa dressing room eh.
Mabilisan kong tinahak ang backstage patungo nang dressing room. Napansin ko namang sumasayad na pala sa sahig yung mga slacks nila kaya itinaas ko ito. Pakiramdaman na lang ulit ako sa dinadaanan ko dahil hindi ko na ito masyadong makita. Ang bigat pa pati nung damit nila.
Eh 9 members sila eh. Anong laban ko dun? Naisipan ko naman nang tumakbo kase mamaya naiinip na pala sila taeyong sa pag-aantay sakin doon sa dressing room.
"Bilisan mo jew--!!" naputol yung ibinubulong ko sa sarili ko nang matapakan ko yung isang slack.
"Oh sh*t!"

YOU ARE READING
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...