"Ano ba yang pinaggagawa mo!!!" Halos magka end of the world na sa bahay dahil sa sobrang galit ng tiyahin kong si tita raquel sakin.
"Bwisit ka talaga!" Sinabunutan pa ko. Pero hindi ako gumanti, hinayaan ko lang siya.
Binitawan niya ang buhok ko at saka naglakad papasok ng bahay.
Pinulot ko ang mga pinggan na nabasag pati ang mga baso. Medyo natuwa pa ko kase ayun pa rin yung tugtog sa radio.
"Linisin mo yan o buhay mo ang lilinisin ko! Nakakainis! Pabigat!" Bumalik na ulit siya sa loob. Dahan dahan ko namang pinagpupulot ang mga bubog. Tanga ko pa nga eh! May walis at dustpan naman -_-
Nang matapos ko na yung pagpupulot ng mga bubig ay pinagpatuloy ko na lang ulit ang paghuhugas. After ko dun ay inayos ko yung buhok ko guray guray na pala.
Nang matapos akong maglaba ay halos madilim na sa labas. Napagpasiyahan kong dumiretso na sa kusina para na rin makapagsaing.
"May ulam diyan sa ref. Lutuin mo" utos ni tita.
Binuksan ko ang ref. At nagningning ang mata ko dahil sa nakita kong pagkain. "Rameeeennn" wika ko.
Dali dali kong binuksan ito. Pagkatapos ay niluto ko at tinawag ko na si tita para maghapunan na kami.
"Bukas. Aalis ako dito ka lang at wag na wag kang lalabas ng bahay dahil kapag may nawala dito wag mo nang asahan pang patitirahin pa kita dito"
Nilibot ko ng tingin ang mata ko. Mukha bang may mawawala dito? Eh halos kaakunti lang ang gamit niya eh. Yung iba antique pa!
"Maglilinis na lang po ako bukas" marahan kong sabi.
"Aba! Eh anong gagawin mo bukas? Wala naman diba?'' Laki talaga ng galit sakin nito.
"Opo. Uhm Tita may Internet po ba kayo dito?" Tanong ko.
"At bakit?"
"M-maghahanap po sana ako ng trabaho eh"
"Andun sa kwarto. Siguraduhin mo lang na trabaho ang hahanapin mo at hindi mga kalandian" grabe ka tita tagos na tagos na talaga sa puso ko eh!
"O-opo"
Tumayo na siya at iniwan ako. Syempre alam ko na kung anong gagawin ko. After kong maghugas ng plato ay nag half bath ako then pumunta na sa sala para matulog. Wala kaseng extra na kwarto si tita eh. Kaya sa sofa na lang ako natutulog. Kahit hindi nga ako makatulog ay pinipilit ko na lang. Kase ako may sarili akong kwarto sa bahay namin saka malambot na kama ang hinihigaan ko. Yung bahay namin? Ayun ibinenta ng kapatid ni papa.
Ang init pa! Eh kase isa pang din ang electric fan dito. Nasa kwarto pa ni tita. Tinakpan ko na alng ng kumot ang buo kong katawan para hindi ako lamukin. Salamat naman sa Diyos ahil nakatulog ako.
"Tanghali na!" Mabilis akong napatayo at inayos ang pinaghigaan ko.
"Magluto ka na at aalis ako" pagkalagay ko ng unan doon sa gilid ay dumiretso ako ng cr at nag morning routine.
Nagluto ako ng itlog at nagsangag. After naming kumain ni tita ay umalis na rin siya. Ako naman ay minadali ang mga gawaing bahay para makapagsimula na sa gaagwin ko rin habang wala pa si tita.
Medyo may pagka antique na rin ang computer niya. Binuksan ko ito at saka nagtry na magonline sa fb.
From: roxanne
"Beshieeee!!!!!!! Bakit mo naman ako binabaan ng phone! I hate you! !! De joke langsss. Miss na kita! Wag mo naman sana akong i seen please..."
" sinira ni tita yung phone ko eh! Pero wag ka magaalala okay pa naman yung sim card kaya maghahanap muna ko ng trabaho para makabili ako ng cp"
After nun ay nag out na rin ako. Ayoko na kasi pang makatanggap ng mga tanong mula sa mga classmates ko sa pilipinas. Akala kase nila masaya ako dito sa korea, kung alam lang nila.
Tumingin ako sa pinto at magmasid. Wala naman si tita eh. Papairalin ko muna ang pagfafangirling ko.
Binuksan ko ang mga fanpage accounts ko sa nct. Medyo matagal na pala akong hindi nakakapag update sa kanila. Chineck ko na rin ang official website nila at tumambay ako para i like ng i like ang mga post nila.
"Nung isang araw pala pumunta sila sa Kcon la" after kong malike ang mga posts nila ay nag new tab ako. Magyoyoutube muna ako. Sinearch ko yung mga songs nila. Nagpatugtog ako at sumayaw sayaw.
Dito ako nageenjoy sa ginagawa ko eh. Nasa kalagitnaan na ko ng pagsayaw sayaw ng biglang tumunog yung notif ko.
Agad agad naman akong nagpunta sa harao ng conputer at tinignan kung ano yun.
"As the management of smtown, we are gladly excited to say about the news of our beloved group! The nct!! Nctzen, we are going to hire a personal assistant for our boys because of their busy works. Save the date! On july 27, 2017 on the coex mall!! Just bring your biodata, birth certificate, i.d, and all your requirements! We know that there are so many fans that will apply on that job hiring but don't lose hope!! We are sure that we are choosing the right person for them, for the boys!! Don't forget!!
Just now • 20,000 likes • 500 comments
Nagtatalon ako sa tuwa. Alam niyo yung feeling na baliw ka? Oo! Alam ko yun!!!! Sobrang ewan! Excited na ko!!!!
Inayos ko lahat ng papeles ko sa maleta at nagupdate sa fanpage account ko. Wala akong pake kahit pa maraming babae at milyon milyong fans ang dumagsa!! Ipaglalaban ko to!
Natigilan lang ako dahil sa naisip ko. Teka, pano naman ako pupunta doon? Eh hindi ko nga alam yung coex mall eh (;一_一) bumalik ulit ako sa harap ng computer para maghanap ng pwede kong masakyan papunta doon. 1 hour and a half pa ang biyahe!? Saka train lang ang sasakyan! Pero san ba ko maghahanap ng pera? Yun na ang number one na kailangan ko!
Malas ng mga nasa pilipinas ahihihi!!!! Thank you Lord.! Baka dito na magsisimula ang magandang buhay ko!!
Saka kailangan kong maging matino sa harap nila noh! Mag aayos ako mabuti!!!! This is it! Sa Thursday pa yun! Monday pa lang ngayon!

YOU ARE READING
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...