A/n: tsismis lang hahahaha. So ayun, si taeyong nagpablonde ng buhok😲😘😍 simpre kinikilig ako hajahaha. Saka may ear piercing na din siya waaaaa!!!!!! He's not a little boy anymore. He's growing up!
-☆-
Jewel's p.o.v
"Tikman mo nga kung may lasa." Pinatikim ko sa kaniya yung sabaw na nasa kutsara. "Ang sarap!!" Wika niya.
For nth time, I've never imagine na darating ang araw na 'to, araw na magiging okay kaming dalawa.
"Wews. Talaga!?"
"Oo kaso ang tabang haha. Lagyan mo ng asin."
Ako: -_-
Sabi niya ang sarap daw tapos ngayon wala namang lasa. Kinuha niya yung asin at inabot sakin. Nung kukuhain ko na; itinaas niya bigla yung kamay niya. "Taeyong, anong trip mo ha?"
Inasar niya lang ako gamit ang pandidila niya. "Abutin mo.'' Aniya. Tiningala ko yung asin. T.T ang tangkad niya eh. Pano ko yun maabot?
Tumalon ako bigla para maabot kaso hindi ko nakuha dahil mababa pa yung talon ko. "Akin na nga! Luto na to wala pa ding lasa!" Reklamo ko.
"Abutin mo nga! Sige ka walang lasa yang luto mo hehe." Tinulak ko siya papunta sa may ref. tapos tumingkayad ako para kuhain yung asin kaso nung mahawakan ko iyon ay bigla akong napatingin sa mukha niya. Hindi kaagad ako nakagalaw, sa mga mata niya lang ako nakatingin ngayon.
Mga mata niyang nang-aakit.
Ganun din ang ginawa niya. Tumitig lang din siya. Parehas naman kaming hindi nagsalita. Sinulit ko naman ang pagtititigan namin. Dahan-dahan kong kinuha yung asin sa kamay niya tapos pinisil siya sa ilong. "Oush!" Tinawanan ko lang siya.
"Hahaha. Nakuha ko Mr. Lee pano ba yan?" Sumayaw-sayaw pa ko sa harap niya na parang nang-aasar. Lumaput naman siya na ikinagulat ko.
He's facing me for about 2 inches only.
Medyo napahawak ako sa may lababo nung gawin niya iyon. "Sinong nagsabi sayo na tawagin akong Mr. Lee?" Tanong niya. Oh may ghad! Baka galit na siya!
"W-wala. G-gusto ko la--"
"Ow sorry. Nakaabala ba ko?'' Napabalikwas kami sa pagtayo ni taeyong nang marinig naming dalawa ang boses ni jaehyun. "H-hindi!" Sagot ko. Paalis na sana siya nang habulin ko siya.
"Jaehyun!" Tawag ko. Napatigil naman siya sa paglakad at nilingon ako. "Bakit pala?" Tanong ko kaagad.
"Uhm. A-ano sabi kase... ay mali, pinapatanong pala ni taeil kung luto na daw yung ulam. Kase maghain na daw kami nila winwin." Sagot niya. Ano bang nangyayari kay jaehyun? Ba't pautal-utal siya magsalita?
"Okay ka lang ba?"
"Ha? Oo bakit?"
Napakamot na lang ako sa ulo. "Para ka kaseng ewan eh. Saka nagkatuwaan lang naman kami ni taeyong kanina. Kalimutan mo na lang yung nakita mo." Pahabol ko.
"Wala naman sakin yung nakita ko. Sige, punta muna ko dun kina winwin, nanonood kase sila." Tumalikod na siya at naglakad papuntang sala.
"Tawagin ko na lang kayo kapag luto na yung ulam!" Lumingon naman siya at ngumiti.
Mapait na ngiti.
Bumalik na lang ulit ako sa kusina at nadatnan si taeyong na tinitikman yung ulam. "Baka naman maubos na sabaw niyan kakatikim mo." Biro ko.
"Eto okay na. Tikman mo." Pinatikim niya naman sakin yung sabaw. ''Okay na 'to. May lasa na di katulad kanina." Marunong talaga sa pagluluto si taeyong. Like nung napanood ko sa nct life nila sa paju.
"Ay shet. Di ko napalitan yung kutsara na ginamit ko." Nagaalala niyang sabi. Kinunotan ko naman siya ng noo. "Ha? Bakit?"
Kumuha siya nang kutsara pero pinigilan ko siya. "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko.
"Papatikim ko ulit sayo yung ulam."
"Ano?! Eh kakatikim ko lang ah!?''
"Eh hindi ko napalitan yung kutsara na ginamit ko nung tumikim ako ng sabaw eh. Baka akala mo talaga may lasa na kahit yung laway ko naman yung natikman mo." Hinampas ko siya sa braso.
"So funny taeyong. Kailan pa naging lasang chicken curry yang laway mo?" Natatawa kong sabi. Humagalpak siya ng tawa.
"Totoo naman ah!?" Pangangatwiran niya. Pinatay niya na yung kalan saka binuhat yung ulam. "Tawagin ko na lang pala sila jaehyun para maghain."
Paalis na ko ng harangin niya ko sa may pinto. "Oh bakit?"
"Wag na. Kaya ko naman 'to, hayaan mo na lang sila dun manood." Pagpepresinta niya. Pinisil ko lang siya sa ilong niya. "Favorite mo talaga yang ilong ko no?"
"Eh ang tangos kase eh!" Pagkatapos ay inilabas niya na yung ulam. Ako naman ay kumuha nang mga plato saka mga chopsticks.
Tuturuan daw ako ni taeyong magchopsticks. ♡-♡ "taeil! Kain na tayo!" Tawag ko sa kanila. Si haechan naman ay umakyat sa taas para tawagin si mark na natutulog pa.
"Wow!! Sarap ng ulam!" Kumislap ang mata nila winwin at doyoung ng makita ang ulam. "Oy. Hindi niyo nga tinulungan sina jewel maghain eh!" Panenermon sa kanila ni johnny.
Napakamot naman ng ulo yung dalawa. "Eh hindi naman nila kami tinawag eh."
"Aba!! Si grandpa sumisipag! Ano ang ating inspirasyon?" Biro ni taeil. "Tsk. Syempre si jewel. Siya lang naman ang nagturo saking maging mabait eh ahaha." To be honest, kinilig ako sa sinabi ni taeyong hahahaha ♡-♡
Inalis ko yung apron ko at tinabi ito sa gilid. "Hala!! Ayieeeee!!!!!!" Pangangasar nila doyoung at winwin. Nginitian ko lang sila. Sumabit naman yung paningin ko kay jaehyun na na tahimik lang sa pagnguya.
"Jaehyun ang tahimik mo ata." Puna ni taeyong sa kaniya. Bati na pala sila. Nag-usap sila nung pauwi kami galing ospital nung lunes.
Tumingin lang siya pero hindi nagsalita. Kinuha niya yung kanin at nilagyan yung plato niya. What happen to jaehyun? Umupo ako sa tabi ni taeyong. Eh wala na rin namang ibang pwesto dun kundi yung katabi ni taeyong.
"Baka mamaya magising na lang kami lahat, kayo na pala. Oy amin-amin din pag may time ah?" -yuta.
Bigla namang naubo si jaehyun. Kaya napunta tuloy lahat ng atensyon namin sa kaniya. Tumayo kaagad ako at tumakbo papuntang kusina para kumuha ng tubig saka baso.
Pagdating ko doon ay tinatapik na nila taeil at mark ang likod ni jaehyun. Dali-dali ko namang ibinigay yung baso na may lamang tubig. "S-salamat."
"Jewel! Kain ka muna baka maubusan ka na ng dalawang 'to." Tawag sakin ni taeyong.
"Wait! Nabulunan kase tong si jaehyun eh."
"Halika na andiyan naman na sila ta-"
Jaehyun cut taeyong's word. "Saglit nga lang daw diba?" Bigla na naman akong nakaramdam ng kakaiba sa dalawang 'to.
A/n: ulit ahahah. Naaawa ako kay jaehyun. Ayaw niyo talaga sa kaniya noh? Hahahaa.

YOU ARE READING
He who fell in love with a fangirl |COMPLETED
FanfictionHighest rank: #28 in fanfiction Bias. Taong minahal ko ng todo, pero hindi naman ako gusto. Katulad na lang niya, let me introduce to you. Lee taeyong of nct!! Ang ultimate bias ko sa nct. Why? Because he can dance, sings, and rap. Almost perfect. L...